^

PM Sports

NU at UP agawan sa No. 1 seat

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parehong swak na sa Fi­nal Four ang National University at University of the Philippines pero mahalaga pa rin ang kanilang laro sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Magtutuos ang Bulldogs at Fighting Maroons ngayong alas-5 ng hapon.

Kasalukuyan silang magkasalo sa tuktok ng ha­wak ang parehong 9-4 marka.

Ang mananalo sa NU at UP ang makakakuha sa No. 1 berth sa Final Four bitbit ang unang ‘twice-to-beat’ in­centive na ibi­ni­bigay sa top two teams pag­katapos ng elimination round.

Ang matatalo ang sa­sa­­gupa sa magwawagi sa pagitan ng defending champion De La Salle Uni­versity at Far Eastern University para paglaba­nan ang No. 2 seat kasama ang huling bo­nus.

Maglalaban ang La Salle at FEU sa ganap na alas-2:30 ng hapon.

Krusyal ang laro dahil ang mananalo sa Green Archers at Fighting Maro­ons ang papasok sa Final Four at may tsansa rin sa ‘twice-to-beat’ bonus.

Kaya asahang mahigpit ang magiging labanan ng apat na koponan.

Pakay din ng La Salle na ikadena ang pangatlong sunod na panalo sa pakiki­pagkita sa mapanganib na FEU.

Ang mamalasin ang ha­harap sa University of Santo Tomas (8-6) sa agawan para sa huling semis berth.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with