^

PM Sports

Slaughter saan PBA team lalaro?

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Saan lalapag ang ‘Gregzilla’?

Iyan ang higanteng katanungan ngayon ng sambayanang basketbolista matapos bawian ng prang- kisa ang Titan Ultra sa PBA na magbibigay-daan din sa pagkawala ng bisa ng playing rights nito sa 7-foot-0 pambato na si Greg Slaughter.

Ayon mismo kay PBA legal counsel Atty. Ogie Narvasa ay unrestricted free agent na si ‘Gregzilla’ bunsod nito at puwedeng pumirma sa kahit anong 11 na clubs na natitira sa pinakamatandang profes- sional league sa Asya.

Huling naglaro sa PBA si Slaughter noong 2021 para sa NorthPort Batang Pier matapos ibenta ang prangkisa sa Titan Ultra noong nakaraang taon lang.

Subalit isang season lang ang tinagal ng Titan sa ilalim ng Pureblends Corporation sa PBA matapos lumabag sa 3 panuntunan ng PBA na gross misrepresentation, lack of financial capacity at unauthorized change in ownership and control.

Dahil dito, pupulungin ng PBA ang mga players ng Titan sa Miyerkules upang pag-usapan ang hinaharap nila, kabilang na ang mga natenggang kontrata dahil sa pagkasi- bak ng Giant Risers sa liga. Ilang taon nang napa- paugong ang pagbabalik ng 38-anyos na higante sa PBA lalo na nang magensayo sa Phoenix Fuel Masters ngayong taon su­ balit hindi rin natuloy. Numero unong draft pick si Slaughter na galing sa Ateneo noong 2013 PBA Rookie Draft ng Barangay Ginebra, kung saan siya nanalo ng Rookie of the Year, Best Player of the Conference at 4 na kam- peonato sahog pa ang 5 All-Star Selections at 2 Mythical Team citations.

Bukod kay Slaughter isa pa sa free agent na hawak ng Titan ang rights ay si Wil- liam Navarro na kagagaling lang sa Korean Basketball League para sa Busan KCC Egis at Jones Cup.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with