76ers pasok sa NBA Cup quarterfinals
INDIANAPOLIS — Humakot si LeBron James ng 21 points, pitong re- bounds at anim na assists para tulungan ang Philadel- phia 76ers sa 111-87 pag- bugbog sa Indiana Pacers sa East Group B papasok sa NBA Cup knockout quarterfinal round. Kumonekta si James ng tatlong three-pointers sa unang apat na minuto ng first period para sa kanyang 11 points patungo sa kanilang 55-44 halftime lead.
Lalabanan ng Sixers (16-4) ang East Group C winner Atlanta Hawks sa quarterfinals ng NBA inseason tournament.
Nagdagdag si Joel Em- biid ng 14 points at 11 rebounds para sa pangpitong panalo ng Eastern Conference leader sa hu ling walong laban . Umiskor si Jay Huff ng 18 points at may 14 mar kers si Andrew Nembhard sa panig ng Pacers (6-13) na nakahugot kay Ivica Zubac ng 16 rebounds.
Sa iba pang laro, pa nalo ang Detroit Pistons sa Milwaukee Bucks, 113-98; lusot ang Miami Heat sa New York Knicks, 108-105; wagi ang Toronto Raptors sa Brooklyn Nets, 124- 100; umeskapo ang Atlanta Hawks sa Boston Celtics, 87-86; at dinaig ng Memphis Grizzlies ang Minnesota Timberwolves, 114-109.
- Latest
















