Creamline puro na sa korona

MANILA, Philippines — Madaling iniligpit ng nag- dedepensang Creamline ang Farm Fresh, 25-11, 25-16, 25-16, sa Game One para lumapit sa korona ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe rence Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Muling bumandera sina Jema Galanza, Tots Carlos at Bernadeth Pons para ila pit ang Cool Smashers sa kanilang pang-12 titulo. “Sobrang happy lang and best gift ever,” sabi ni Galanza na pumalo ng 15 points para sa pagdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan. “Pero hindi pa tapos, Game One pa lang, pagtatrabahuhan pa namin iyong Game Two.” Kitang-kita naman ang nerbiyos sa Foxies na nasa kanilang kauna-unahang fi- nals appearance simula nang umali sa liga noong 2023. Maaari nang walisin ng Creamline ang Farm Fresh sa kanilang best-of-three cham- pionship series sa Game Two sa Martes sa parehong venue.
Maagang nagpakita ng championship experience ang Cool Smashers nang ilista ang 16-6 abante sa first set patungo sa 25-11 panalo tampok ang winning hit ni Michele Gumabao. Pumalag ang Foxies sa second set kung saan sila dumikit sa 6-7 bago muling naiwanan ng Cool Smashers sa 20-13 galing sa service error ni Rizza Cruz.
Ang attack error ni Ara Galang ng Farm Fresh ang nagresulta sa 25-16 pananaig ng Creamline para itayo ang 2-0 kalamangan. Hindi na nagpapigil ang Cool Smashers sa third set sa paglilista ng 12-6 bentahe at tapusin ang Foxies sa 25-16. Samantala, lumapit ang Choco Mucho sa paghablot sa bronze medal matapos walisin ang Nxled, 25- 14, 25-23, 25-22, sa Game One ng kanilang sariling serye. Pumalo si Sisi Rondina-Rosales ng 12 points, habang may 11 markers si Eya Laure para banderahan ang Flying Titans na naka- hugot ng siyam at walong puntos kina Maddie Ma- dayag at Caitlyn Viray, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang Chameleons sa kanyang 13 points.
- Latest


















