^

Police Metro

Dalaga pinatay, ibinalot sa dahon ng saging

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kundi hindi umali­ngasaw ang baho ay hindi matutuklasan ang bangkay ng isang babae na nakabalot sa  dahon ng saging at nasa state of decomposition na nitong Huwebes ng umaga sa Sitio Camaysihay, Barangay Gacao, Palo, Leyte.

Ayon sa Palo Municipal Police Station, kinilala ang biktima sa alyas na “Sandra,” 18-anyos at residente rin sa nasabing barangay.

Kinumpirma rin ng kanyang pamilya ang kanyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng suot nitong tsinelas at tattoo sa paa.

Napag-alaman ding kauuwi lang ng biktima  mula sa pagtatrabaho sa Maynila noong Oktubre.

Huling nakasama ng kanyang pamilya ang biktima noong umaga ng Nobyembre 24, nang umalis siya ng bahay at hindi na nakauwi pa.

Ayon sa Palo Municipal Police Station, may nakitang mga sugat sa dibdib ng biktima na hinihinalang dulot ng pananaksak.

Isasailalim sa autopsy ang kanyang labi upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay nito. 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with