^

Police Metro

Bahay sa Tondo sumabog: 2 patay, 7 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang pitong iba pa ang sugatan nang magkaroon nang pagsabog na sinundan ng sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na pinangalanan ng Manila Fire Department, ang dalawang nasawi na  residente sa lugar habang pito ang sugatan kabilang isang 7 buwang na sanggol na dinala sa Mary Johnston Hospital.

Ayon sa Manila Fire Department, alas-10:00 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa pagsabog sa Sto.Cristo St., Barangay 5, na nauwi sa sunog.

Sa lakas nang pagsa­bog ay nasira pati ang pader ng isang katabing konkretong bahay at ilan pang mga bahay sa harapang bahagi ng Sto. Cristo St..

Inilagay sa lockdown ang lugar dahil sa panganib nang pagguho ng bahay kung saan naganap ang insidente ng pagsabog.

Dumating ang mga tauhan ng Manila Police District Explosive and ­Ordnance Division (MPD-EOD) para magsagawa ng imbestigasyon sa  dahilan ng pagsabog.

Ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department, idineklara ang unang alarma sa sunog, alas-10:14 ng umaga at  naapula alas-10:44 ng umaga.

EXPLOSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with