^

PSN Showbiz

Marami pang artista gusto na ring magpulitika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Holy Week na.

Ito na naman ang oras upang tayo ay magnilay-nilay.

At marami rin siguro sa mga star natin ngayon ang nag-iisip sa maaring mangyari sa kanilang career, at meron din dapat ng tanggapin ang katotohanan.

Halos wala na ang star system, at iyon mga star na nag-iisip na sa politics naman hanapin ang suwerte nila, lalo pang dumarami. Sana nga tulad ng mga nauna, bigyan din sila ng pagkakataon ng mga botante.

Pero iyon marami sa sumubok medyo nabigo dahil sabi nga nila matalino na ang mga botante na alam na rin kung sino ang mga talagang puwedeng makatulong sa bayan.

Talagang sa panahon ngayon very uncertain ang lahat. Kaya naman nakikiramdam ang lahat.

Nice na maganda ang naging pagtanggap sa nakaraang MMFF.

At dun nakita na basta maganda ang produkto, puwede naman tanggapin ng moviegoers na naging very picky na lately.

Pero alam n’yo ba na kung minsan gusto ko nang maniwala sa mga balita na marami sa mga star natin babae at lalaki ang may mga ‘sideline’  na? Naku noh kaloka talaga kasi nga iyon iba nasanay sa high living kaya nahirapan ng bigla pag nagkaroon ng slump sa kanilang career.

Shocking nga iyon headline ng PSN at PM tungkol sa isang celebrity na pumunta abroad at pagbalik nakabili agad ng isang luxury car.

At hindi ba parang kayabangan sa panahon ngayon pag lumakad ka na pulos signature ang suot?

Parang walking advertising ang nangyayari kaya nga sa halip na hangaan, pinagtatawanan pa ang isang artista na medyo mayabang na pinapakita na ang mga gamit niya ay mga expensive pero wala naman flair sa pagdadala nito.

Meron talaga mga tao na kayang dalhin mga expensive things na parang second skin na niya kaya mas lalo pang hinahangaan. At meron naman pa sosyal na nakalimutan na dati naman silang mahirap lang ang buhay.

Kaya kung minsan talagang dapat maging totoo ka sa lahat ng kilos mo, huwag maging showbiz pati sa tooong buhay.

Dapat lang talaga na truth should be your way of life. Sabi nga, kahit anong tago lalabas din ang totoo. Bongga.

Kapuso Foundation tumanggap ng donasyon mula sa Noel Bazaar

Bongga tumanggap kamakailan ang GMA Kapuso Foundation, Inc.(GMAKF) ng check donation mula sa Cut Unlimited, Inc. Ang nasabing donasyon daw ay bahagi ng  proceeds ng Noel Bazaar noong nakaraang taon.

Ang Noel Bazaar ay isa sa biggest, longest-running Christmas shopping events sa bansa.

At laging kabahagi nito ang Celebrity Ukay-Ukay, kung saan mabibili ng shoppers ang pre-loved items ng mga favorite Kapuso stars.

Sosyal at least talagang nakatipid na sila, nakatulong pa ang mga namimili sa Noel Bazaar.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with