^

PSN Showbiz

Pamilya sagrado, ginastusan ng prime video

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Pamilya sagrado, ginastusan ng prime video
Kyle Echarri, Shaina Magdayao, at Joel Torre

Malamang ngayon magsisimula ang bakasyon ng production team ng Pamilya Sagrado ng ABS-CBN. Nasa Baguio ang buong team na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Shaina Magdayao, Mylene Dizon, Aiko Melendez, Rosanna Roces, Joel Torre, John Arcilla, Tirso Cruz III, atbp directed by Law Fajardo and Andoy Ranay.

Nagtaping sila hanggang kahapon sa Baguio na buti na lang malamig lamig pa compared sa init ng summer sa Maynila.

Totoo bang ito ang huling project na na-go signal ni Sir Deo Endrinal bago siya pumanaw?

At swerte dahil totoo bang may subsidy ito mula sa Amazon Prime kaya medyo ok ok ang budget ng teleseryeng ito! Wagi!

Ria, hinihintay umaming buntis

Ngayong hayagan nang inireport ang kasalang Zanjoe Marudo at Ria Atayde, ang susunod na tanong, maaamin na kaya nila na on-the-family-way na si Ria?

True ba ito? Wait and see na lang tayo!

For now, best wishes na muna kina Mr. and Mrs. Marudo!

Last one ni Gary, may repeat

Nag-first rehearsal kahapon ang The Last One concert ni Gary Valenciano. Inexplain na ng Mr Pure Energy Gary V na the last one ito nang ganitong magnitude, kasing laki at nakakapagod sa malaking concert venue na tulad ng Mall Of Asia Arena.

May tickets na ba kayo? Mabilis daw magkaubusan.

Pero true ba na nakaabang na ang repeat nito on May 11 kung sakali? Abangan!

Tito at Tony Tuviera,nagkaayos na?!

Love Thy Neighbor ang Holy Tuesday presentation ng Eat Bulaga bukas with Tito Sotto, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza and Jose Manalo with Ciara Sotto. Kumusta na kaya si Tito Sotto at Tony Tuviera ngayong parang nag-settle na ang isyu ng TVJ at TAPE? All’s well that ends well na rin kaya lahat lahat?

Mga composer, binigyan ng parangal

Tatlong composers ang bibigyan ng tri­bute concerts this coming May 2024. Mauuna si Ryan Cayabyab ng May 11 and 12 sa Samsung Theater sa Circuit Makati. Susunod si Joven Tan sa May 16 sa FilOil Arena.

At si Cecile Azarcon naman sa May 24 and 25 sa The Theater, Solaire.

Maganda itong ganito na hindi lang singers na napaparangalan, di ba?

Tapos na sina Louie Ocampo, Odette Quesada at Jose Mari Chan, kailan naman kaya sina Vehnee Saturno, Margot at Edith Gallardo, Moy Ortiz at marami pang iba? Sana coming soon na!

Nakakata-quote :

Cristine thankful na nagbalik-loob sa diyos dahil kay Marco

“He brought me back to Church kasi nagtampo ako kay Lord e kasi yung past ko Church people rin sila. So parang feeling ko, nagtampo ako du’n kay Lord na … ginagawa ko naman na nag-obey naman ako tapos ganito ang nangyari. So when  Marco (Gumabao) came, he brought me back to Church and I’m thankful.” - Cristine Reyes

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with