^

Punto Mo

‘Panyo’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG babae ang tumawag sa akin at may hawak itong puting panyo. Estudyante rin ang babae—nakaputing uniporme na hula ko ay nag-aaral ng pharmacy.

“Mister nalaglag itong panyo mo!’’ sabi ng babae na nasa kabilang ibayo ng kalsada.

Hinintay kong makatawid ang babae.

“Nalaglag itong panyo mo,’’ sabi ng babae na tsinita ang mata.

“Salamat,’’ sabi ko sabay abot sa panyo.

“Nakita ko na nalaglag kaya tinawag kita.’’

“Salamat uli nang marami.’’

“Sige at may klase ako ng 7:00,’’ sabi ng babae at nagmamadaling umalis.

Ako naman ay sandaling natigilan.

Bakit hindi ko naitanong ang name ng babae?

Talagang mahiyain ako.

Tiyope.

Maganda pa naman. Tsinita.

Pagkatapos ay nagmadali na rin akong naglakad dahil mali-late na rin ako sa klase.

Pag-uwi ko kinahapunan ay nagtaka ako nang makita ang panyo na iniabot ng babae sa akin.

Hindi sa akin ang panyo!

(Itutuloy)

PHARMACY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with