^

Probinsiya

Gun ban sa 2 Moro provinces pinaigting

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Mas pinaigting pa ng pulisya ang pagpapatupad ng election gun ban sa Ma­guindanao del Sur at Maguindanao del Norte kasunod ng mga insidente ng pamamaril at patay nitong nakalipas na dalawang linggo.

Sa huling ulat, apat na ang napatay sa mga pamamaril sa Maguindanao del Norte habang 10 katao ang nasawi sa mga katulad na insidente sa Maguindanao del Sur mula nang ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban sa buong bansa nitong Enero 12 kaugnay ng nakatakdang May 2025 elections.

Sa ulat ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagpakalat na sila nitong Miyerkules ng mas maraming mga pulis sa mga gun ban checkpoints sa dalawang probinsya upang mapigil ang mga abusadong residente sa pagdadala ng baril na walang mga lisensya at pahintulot mula sa Comelec.

Isa sa mga units ng PRO-BAR na nagpapatupad ng gun ban ang 1st Provincial Mobile Force Company na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin.

Kabilang sa mga lugar na saklaw ng gun ban implementation nila Madin at kanyang mga tauhan ang Cotabato Airport sa Barangay Awang at ang Barangay Tamontaka, parehong nasa Maguindanao del Norte, na siyang entry route mula sa mga bayan sa probinsya patungo ng Cotabato City na kabisera ng Bangsamoro region.

GUN BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with