Comelec, may bagong commissioners
MANILA, Philippines — Nagtalaga na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong commissioners ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.
Ito ay sa katauhan nina Ma. Norina Tangaro-Casingal, na direktor ng Legal Department ng Comelec at Atty. Noli Pipo, regional director ng Comelec Region 1.
Si Tangaro-Casingal ang makakapalit sa puwesto ng nagretirong si commissioner Socorro Inting habang si Pipo ang makakapalit ni commissioner Marlon Casquejo.
Sina Inting at Casquejo ay kapwa bumaba sa puwesto noong Pebrero 2, 2025.
Samantala, laking pasalamat naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia kay Pang. Marcos dahil dininig nito ang kanilang panawagan na kaagad na magtalaga ng bagong poll commissioners dahil nalalapit na ang eleksiyon.
Una na ring sinabi ni Garcia na umaasa silang ang itatalaga ng Pangulo sa puwesto ay isang babae at isang lalaki, at mula mismo sa loob ng poll body.
“At the same time, ang napili ng ating Pangulo ay isang insider. Si Dir. Nori ay matagal nang director ng Law Department. Matagal na rin sya sa Comelec...Natutuwa tayo sapagkat ito ay pagkilala sa kakayanan, galing, talino, dedication ng nasa Comelec,” aniya pa.
- Latest