^

Probinsiya

Bahay natabunan ng landslide: 6 miyembro ng pamilya sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang sanggol ang sugatang nakaligtas matapos matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang tahanan sa naganap na landslide sanhi ng mga pag-ulan na dala ng shearline sa Brgy Bocawon, Lapaz, Leyte nitong Lunes ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni Soriano Armenio Jr. Officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Office of Civil Defense ( OCD) 8, dakong alas- 10 ng umaga ng maganap ang landslide sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga sugatang nailigtas ay si Domingo Ero Jr.,padre de pamilya, misis nito, dalawang kapa­milya ng kaniyang asawa, anak niyang lalaki at sanggol niyang apo.

Sa salaysay ni Domingo kasalukuyan silang nagko-kopra ng kaniyang anak na lalaki ng marinig ang malakas na dagundong at kasunod nito ay gumuho ang bundok na tumabon sa kanilang tahanan.

Nagawa naman nitong kumaripas ng takbo habang unti-unting gumuguho ang bundok at pinagtulungan nila ng kaniyang anak na lalaki na mailigtas ang kaniyang misis,apo at dalawa pang kapamilya ng kaniyang misis.

Ang mga biktima, ayon sa opisyal ay pawang nagtamo ng galos at sugat sa insidente pero masuwerteng nakaligtas.
Samantalang bumaha rin sa lugar dulot ng pag-apaw ng Gimernat River na nakaapekto rin sa ilang mga pamilya na naninirahan sa nasabing Barangay.

Iniulat na ang Calabayo Hotspring, ang destinasyon ng mga turista sa lugar ay napinsala dulot ng mga pagbaha at kasamang lumubog sa tubig baha ang mga bayan ng Jipapad, Dolores at Arteche; pawang sa Eastern Samar gayundin sa lungsod ng Tacloban, Leyte.

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with