Job fair isasagawa sa apektado ng POGO ban – DOLE

MANILA, Philippines — Nakatakdang magdaos muli ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panibagong job fair para sa mga manggagawa sa internet gambling licensee (IGL) na naapektuhan ng ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, sa mga nakalipas na job fair na idinaos nila ay halos 200 IGL workers ang lumahok at ilan sa kanila ay matagumpay na napasok ng bagong trabaho.
Paniniguro pa niya, muli silang magsasagawa ng job fairs upang matulungang magkatrabaho rin ang iba pang IGL workers, gayundin ang iba pang mga job seekers sa bansa.
‘’Mayroong mga na-hire doon pero mayroong [din] follow through. Mayroon pa kaming isusunod na jobs fair na focus sa kanila,’’ ani Laguesma.
Hindi pa naman tinukoy ni Laguesma kung kailan ang eksaktong petsa ng naturang isasagawang job fair.
- Latest