^

Probinsiya

Guro ninakawan na, pinatay pa ng kawatan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaslang at pinagnakawan ang isang 43-anyos na guro sa loob ng kuwarto nito sa Brgy. Tamao, Tayasan, Negros Oriental kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Taynaizan “Bata” Fausto, miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa report ng Negros Oriental Police, dakong alas-2 ng hapon nang madiskubre ng kaniyang kapatid ang biktima na wala nang buhay sa kuwarto nito sa nasabing lugar.

Ang biktima ay walang saplot sa kalahati ng katawan nito at puno ng mga galos sa kaniyang katawan na hinihinalang pinahirapan muna ng salarin bago patayin.

Samantala, nabatid sa imbestigasyon na nawawala rin ang mga personal na kagamitan ng biktima bunsod upang maghinala ang mga awtoridad na pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Sumisigaw naman ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ng nasawing biktima.
Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang Taysan Police para matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang salarin.

LGBTQIA+

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with