^

Probinsiya

3K tumanggap ng tulong pinansyal sa Isabela

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY,, Philippines — Isabela - Nasa 3,000 katao ang nabigyan ng tulong pinasyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Isabela kahapon.

Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang pamamahagi ng tulong pinasyal sa mga banepisyaryo matapos ang kanyang pagdalaw sa mga bayan ng San Agustin, Jones, Echague at Santiago City. Nasa 600 mga benepisyaryo bawat bayan ang nakatanggap ng tig P2,000 bawat isa.

Bukad sa cash ay namahagi rin si Tolentino ng mga wheelchair para sa may mga kapansa­nang residente.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tolentino na patuloy ang kanyang opisina sa pagbibigay tulong lalo na sa mga mamamayan na nasa probinsya at mga nasa malalayong lugar.

Kabilang sa mga sumalubong kay Tolentino sa Santiago City ay sina Rep. Joseph Tan ng ika-6 na distrito ng Isabela, Santiago City Mayor Sheena Tan at lahat ng mga opsyal ng barangay sa lungsod kabilang na ang ilang mga organisasyon.

Kahapon, namahagi rin si Tolentino ng ayuda sa iba pang mga residente ng Ilagan City bilang bahagi ng kanyang dalawang araw na pagbisita sa lalawigan.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with