^

Probinsiya

Among Chinese inireklamo ng baby sitter sa tangkang ‘rape’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Nahaharap sa kasong kasong kriminal ang isang Chinese National makaraang ireklamo ng kaniyang dalagang baby sitter dahil sa umano tangkang panggagahasa kamakalawa sa loob ng bahay ng suspek Brgy Bataan San Juan Batangas.

Sa salaysay ng biktimang si alyas “Shane”, 26-anyos , dalaga, baby sitter, Hulyo 5 umano dakong alas-10:00  ng umaga, kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga plato sa bahay ng suspek na si alyas Chen, 56-anyos, negosyante,  nang tawagin umano siya nito at inutusang linisin ang bathroom ng suspek.

Habang naglilinis umano ang biktima ay lumabas ang among Tsino at nagtungo umano sa garahe saka may kinuha umanong condom bago muling bumalik sa kaniyang kuwarto.

Bigla umanong hinila ng suspek ang biktima papasok ng kuwarto at dito siya sinimulang molestiyahin.

Nagmamakaawa umano ang biktima at umiiyak subalit hindi umano siya pinakinggan ng suspek. At nang gagahasain na umano siya ay nakuha nitong magpumiglas at makatakas kaya nagsumbong sa mga awtoridad.

Hindi pa nahuhuli ang suspek hinggil sa late na umanong nakapagsampa ng kaso ang biktima.

vuukle comment

BABY SITTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with