^

Probinsiya

Lalaki binaril sa mukha sa harap ng lover

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang isang lalaki nang ito ay pasukin sa loob ng kanyang bahay at barilin sa mukha sa harap ng kanyang ka-live in, naganap ka­makalawa sa Brgy. Aguado, Trece Maritires City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Efren, nasa hustong gulang, residente ng South Summit, Brgy. Aguado Trece Martires City, Cavite.

Hindi naman nakilala ang suspek na matapos ang ginawang krimen ay mabilis na tumakas tangay ang armas na ginamit.

Sa imbestigasyon, alas-8:45 ng umaga ay kasalukuyang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang ka-live in nito nang pumasok ang suspek sa likurang pintuan ng bahay.

Nang makita ang biktima ay agad itong binaril sa mukha bago mabilis na tumakas.

Nagsisigaw na humingi ng tulong ang kinakasama ng biktima  at agad na itinakbo  sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital at kasalukuyang inoobserbahan.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with