^

Probinsiya

2 lider ng Abu, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lider ng te­roristang Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnap-for- ransom ang nasakote ng militar at pulisya sa pantalan ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kasalukuyang isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na alyas Haris at alyas Suhod na nakabase sa Basilan.

Bandang alas-7:45  ng umaga nang masakote ng AFP Joint Task Force Zamboanga at ng lokal na pulisya ang dalawa na sinasabing kababa pa lamang M/V Anika mula sa  Basilan sa bisinidad ng Philippine Ports Authority (PPA) sa nasabing lungsod.

Nasakote ang mga suspek matapos na makatanggap ng intelligence report kaugnay sa planong pambobomba ng dalawa sa nasabing lungsod.

Sa tala ng militar, ang dalawa ay sangkot sa kidnapping ng 10-manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Basilan noong Hunyo 2001.

Dalawa sa mga bihag ay pinugutan matapos na hindi magbayad ng ransom ang pamilya.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

BANDANG

BASILAN

DALAWA

GOLDEN HARVEST PLANTATION

JOINT TASK FORCE ZAMBOANGA

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

V ANIKA

ZAMBOANGA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with