^

Probinsiya

Biñan city mayor, mga konsehal inireklamo sa ‘land reclamation’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Binigyan lamang ng Ombudsman ng 10-araw si Biñan City, Laguna Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, kasama ang mga incumbent at mga dating konsehal ng lungsod, upang sagutin ang reklamo ng katiwalian na isinampa ng mga residente hinggil sa kontrobersiyal na “land reclamation project” na sinimulan noong 2019.

Sa utos ng Deputy Ombudsman for Luzon, pinasasagot din sa reklamong paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at RA 8450, batas na lumikha sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) sina Vice Mayor Angelo Alonte at mga Konsehales na sina: Jonalina “Dada” Reyes; Jason Sousa; Alvin “Mangkok” Garcia, Flaviano “Jigcy” Pecaña; Libunero “Jedi” Alatiit; Elmario “Elmer” Dimaranan; Christopher “Toppe’ Alba; Victor “Bing” Cariño; Rafael, ‘Raffy’ Cardeño Jr.; Elvis Bedia; Rommel Dicdican; and, Geeminiano Catalon.

Inutusan ding magsumite ng kanilang sagot sina ex-councilors, Liza Cardeño; Bong Bejasa; Gener Romantigue; Jaime Salandanan; Echit Desuasido; and, Rodolfo Montañez Jr. Sa reklamong natanggap ng Ombudsman nitong Hunyo 11, 2024,

Sinabi nina Ferdinand Oberos Tabsing, ng San Isidro Village, Brgy. Dela Paz at Resurrecion Benite Buarao, ng Wawa Street, Brgy. Malaban, na matinding perwisyo sa kanilang kabuhayan at kalusugan ang idinulot ng proyekto.

Ang reklamo ay suportado ng sinumpaang salaysay ng 42 nilang mga kababayan. Anila, simula’t sapul nang masimulan ang reklamasyon noong Abril 2019, nawalan na sila ng pagkakataon na makapagtanim at makapag-ani ng kangkong mula sa lawa na ibinebenta nila sa mga palengke. Tinatayang umabot sa 15-ektarya ng Laguna De Bay ang sinakop ng proyekto.

OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with