Team Albay aayuda sa mga biktima ng bagyong Pepito sa Catanduanes
MANILA, Philippines — Upang madaliang maghatid ng ayudang “relief, medical, water sanitation, communications, agriculture rehabilitation and psychosocial interventions mission” sa Catanduanes na matinding binugbog at sinalanta ng mabangis na bagyong Pepito ay muling binuhay ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Sarte Salceda ang kanyang dating premyadong Team Albay ng Team Albay Youth Organization (TAYO). Ang TEAM Albay ay isang “humanitarian and disaster relief mission” na pinasimulan noong 2007 ni dating Albay Governor Salceda.
Ito ang kauna-unahang malawakan o “fully integrated disaster response mission” na dumating sa Tacloban City matapos itong salantain ni “super typhoon” Yolanda noon. Ang misyon naman nito ngayon ay ang mga bayan ng Pandan, Panganiban, Gigmoto, Caramoran, Bagamanoc at Viga sa hilagang bahagi ng Catanduanes kaya pinangalanan itong “Oplan PaPaGCaBaVi.”
Binugbog at sinalanta ni Bagyong Pepito ang 269 barangay sa 11 bayan ng Catanduanes, at bumiktima sa mga 38,000 pamilya na binubuo ng 133,426 katao.
“Malawakang sinalanta ni Pepito ang Catanduanes at iniwan nito ang miserableng kalagayan ng mga mamamayan ng lalawigan kaya sapilitang dapat naming damayan ang mga kapwa naming Bikolano,” madiing pahayag ni Salceda.
- Latest