^

Probinsiya

Missionary pastor nadale ng ‘akyat-bahay’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Missionary pastor nadale ng âakyat-bahayâ
Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng umaga nang madiskubre ng biktimang si alyas “Mario”, 58-anyos, missionary pastor, na napasok ang kanyang bahay at pinagnakawan ng ‘di kilalang suspek.
Pixabay

CAVITE, Philippines — Nasa P200,000 halaga ng mga mamahaling gamit at pera ang natangay ng hinihinalang miyembro ng “akyat bahay gang” makaraang pasukin ang bahay ng isang pastor sa loob ng isang pribadong subdivision kamakalawa sa Orchard Drive Extension, Brgy. Kaybagal North, Tagaytay City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng umaga nang madiskubre ng biktimang si alyas “Mario”, 58-anyos, missionary pastor, na napasok ang kanyang bahay at pinagnakawan ng ‘di kilalang suspek.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, nakapasok ang suspek sa unahang pintuan ng bahay nito na naiwang nakabukas nang bahagya.

Dire-diretsong pumasok ang biktima at tinangay ang mga mahahalagang ­gamit na kinabibilangan ng isang 11’ Mac Air color Silver laptop na may halagang mahigit sa P20,000,  isang Acer laptop na may halagang P20, 000, isang iPad Gen 9 na nasa P25,000 ang halaga, isang Iphone 11 na nasa P15,000 halaga, isang Infinity Cellular Phone na nasa P10,000, dalawang Huawei Cellular Phone na tig-P10K, isang Nautica watch na mahigit P3,000 ang ­halaga, isang Timex watch  (P2,000 ­worth), isang Lacoste bag na P2,000 ang halaga, isang laptop bag, gold earrings, gold bracelet, gold necklace, QC ID, office ID at P40,000 cash.

CAVITE

TAGAYTAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with