^

Probinsiya

3 ‘drug den operator’ sa Lanao del Sur, timbog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 ‘drug den operator’ sa Lanao del Sur, timbog
Kinumpirma nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao, na nasa kustodiya na nila sina Saadudin Mitmug Bagul na isang security guard at mga kasabwat sina John Mark Villasista Tolentino at Jayson Belong Valeria, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug den ope­rators kabilang ang isang security guard, makaraang malambat ng mga ahente ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Western Wao sa Wao, Lanao del Sur nitong Lunes.

Kinumpirma nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao, na nasa kustodiya na nila sina Saadudin Mitmug Bagul na isang security guard at mga kasabwat sina John Mark Villasista Tolentino at Jayson Belong Valeria, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi na pumalag ang tatlo nang arestuhin ng mga hindi unipormadong PDEA-BARMM agents at mga pulis mula sa iba’t ibang units ng Lanao del Sur Provincial Police Office na kanilang nabentahan ng P68,000 na halaga ng shabu mismo sa kanilang drug den sa Purok 5, Barangay Western Wao.

PHI­LIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with