^

Probinsiya

Lady trader pinasok, P.2 milyong pera, kagamitan tangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lady trader pinasok, P.2 milyong pera, kagamitan tangay
Batay sa ulat ng pulisya, alas-11:18 ng umaga nang akyatin ng mga miyembro ng mga di kilalang suspek ang bahay ng negosyanteng si alyas “Mylene” sa Zinias Brgy. Bayan Luma IX, Imus City, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Aabot sa mahigit kumulang sa P.2 milyong halaga ng mga pera, cellphones at iba pang mahahalagang gamit ang natangay matapos na pasukin ng mga hinihinalang mi­yembro ng “akyat bahay gang” ang kanyang bahay sa loob ng isang subdivision sa lungsod ng Imus, kamakalawa.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-11:18 ng umaga nang akyatin ng mga miyembro ng mga di kilalang suspek ang bahay ng negosyanteng si alyas “Mylene” sa Zinias Brgy. Bayan Luma IX, Imus City, Cavite.

Nabatid na umalis ang biktima upang magpacheck-up sa Our Lady of Pillars nang sumalisi ang mga magnanakaw.

Lumabas na sinira ng mga suspek ang isang bintana ng bahay at dito dumaan papasok at palabas.

Natangay ng mga suspek ang tatlong laptop, isang cellphone na Galaxy Note 8, Smart watch galaxy, charger, P15,000.00 cash, gold necklace, earrings, P6,000 pang money safe, at wallet na naglalaman ng 200 dollars na may halagang P120,000.

Natangay rin ang license at iba’t ibang ATM’s ng biktima.

CAVITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with