^

Probinsiya

Away FB ng magpipinsan nauwi sa barilan, 2 utas!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Away FB ng magpipinsan nauwi sa barilan, 2 utas!
Sinunog ng mga kamag-anak ng dalawang napaslang sa barilan ng magpipinsan sa Balabagan, Lanao del Sur ang sasakyan ng mga suspek bilang ganti. Nag-ugat ang engkwentro ng magpipinsan dahil lang sa kantyawan sa Facebook.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng bala ang magpinsan na Maranao habang sugatan ang dalawa pang pinsan matapos na mauwi sa barilan ang kanilang awayan sa social media partikular sa Facebook, sa Balabagan, Lanao del Sur nitong Linggo.

Sa ulat nitong Martes ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagsisikap na ang local government officials at ang mga kasapi ng Balabagan Municipal Police Station na ma-resolba ang naturang madugong rido, o family feud, sa tulong ng mga traditional Maranao elders.

Kantiyawan lang diumano sa Facebook ang pinag-ugatan ng kanilang away, ayon sa pulisya at mga Maranao religious leaders na tumutulong na maayos ang away ng dalawang grupong magkamag-anak.

Sa mga inisyal na pahayag ng Balabagan Municipal Police at ng Lanao del Sur Provincial Police Office, nasawi sa naturang engkuwentro ng mga magkakamag-anak na sina Mandih at Nhor habang sugatan ang kanilang mga pinsan na sina Abdul at Nash.

Agad namang gumanti ang mga kamag-anak ng mga nasawi at kanilang sinunog ang sasakyan ng mga nakapatay sa dalawang biktima.

May mga emisaryo nang ipinadala ang mga mayor ng mga magka­tabing bayan ng Balabagan at Kapatagan sa Lanao del Sur upang kausapin ang mga nakatatandang miyembro ng dalawang pamilya na mag-ayos na sa tradis­yonal na pamamaraan.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with