^

Police Metro

Babaeng posibleng biktima ng mail-bride scam, naharang sa airport

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babaeng biktima ng scam ang naharang ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Base sa report ni BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) Chief Mary Jane Hizon, ang biktima na kinilala sa alyas Amy, 27 ay naharang noong Enero 2,2025 matapos tangkaing i-bypass ang inspeksyon ng immigration at nagkunwaring turista na patungong Bangkok.

Sa pag-inspeksyon, hindi nito maipakita ang kanyang pasaporte at boarding pass, na sinasabing hawak ito ng hindi kilalang lalaki na nakilala niya sa isang restaurant malapit sa terminal.

Ipinakita ng biktima ang larawan ng kanyang pasaporte at boarding pass na nakitaan ng pekeng immigration stamp.

Inamin ni alyas Amy na nakita niya ang isang post sa Facebook na nag-a-advertise ng mga serbisyo ng immigration escort at nagbayad siya ng P120,000 sa online bank transfer.

Sinabi ni BI commissioner Anthony Viado na posebling si alyas Amy ay naakit o nabiktima ng isang mail-order bride syndicate.

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with