^

PSN Opinyon

EDITORYAL — May epekto kaya ang bagong hymn?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � May epekto kaya ang bagong hymn?

NAGPALABAS ng Memorandum Circular No. 52 ang Malacañang na nag-aatas sa mga ahensiya­ ng gobyerno na isama ang pag-awit ng “Bagong Pili­pinas” hymn at pagbigkas sa Panata sa Bagong Pili­pinas sa kanilang lingguhang flag ceremonies. Kabi­lang sa mga inaatasan ay ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), educational insti­tutions gaya ng state universities and colleges at hini­hikayat din ang local government units (LGUs) na bigkasin ito sa tuwing flag ceremonies. Layunin nito na maisapuso ang prinsipyo ng “Bagong Pilipinas brand of governance and leadership” sa mga Pilipino.

Kahapon sinimulan nang awitin at bigkasin ang Bagong Pilipinas hymn at Panata sa Bagong Pilipinas­ sa mga tanggapan ng pamahalaan. Sinabi ng Mala­cañang na dapat at tiyaking maipapalaganap nang maayos ang awit at pangako ng Bagong Pilipinas. Mahigpit ding inatasan ang Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng mga hakbang para maipalaganap ang hymn at panata sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at publiko.

Mula nang ilunsad ang Bagong Pilipinas hymn, marami ang nagsabi na ito ay walang ipinagkaiba sa Bagong Lipunan hymn na laging pinatutugtog noong panahon ni dating diktador President Ferdinand Marcos­ Sr. para i-promote ang mga pagbabago maka­raang ideklara ang martial law noong 1972. Laging pinatutugtog sa mga himpilan ng radyo ang Bagong Lipunan hymn at inaawit din ng mga bata sa eskuwalahan.

Bagama’t wala namang kautusan na eere ang Bagong Pilipinas hymn ni Marcos Jr. sa mga himpilan­ ng radyo, nakatitiyak namang magiging malamig ang pagtanggap dito lalo ng mga kabataan. Mata­tan­daan na ang Bagong Pilipinas ay inilunsad noong Hulyo 2023 pero hanggang ngayon, hindi pa lubusang kilala at walang ingay sa pandinig.

Nakasaad ang ilang linya ng Bagong Pilipinas hymn:

Panahon na ng pagbabago

Dahil sa ito ay kinakailangan

Tayo na magtulung-tulong

Na Paunlarin ang Mahal nating Bayan

Panahon na ng pagbabago

At iayos ang mga dapat ayusin

Dapat lang maging tungkulin

Ng bawat mamamayan dito sa atin

Makabuluhan naman ang isinasaad. Pero mas ma­ganda pa rin kung ang mga opisyal ng gobyerno ang magpapakita ng halimbawa sa mamamayan. Ipakita ang pagbabago sa pamamagitan ng paggawa na walang bahid ng katiwalian.

vuukle comment

LGUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with