^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Scalawags’ sa PNP patuloy sa pagdami

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Scalawags� sa PNP patuloy sa pagdami

Nang hirangin ni President Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-30 PNP chief si Gen. Francisco Marbil noong Abril 1, 2024, ipinangako niya na isasakatuparan ang mga pangarap ng Presidente na maging matatag ang ekonomiya, maayos na lipunan at kapulisan. Sisikapin umano niyang matupad ang mga mithiin ng Presidente para sa bansa.

Isa sa mga nabanggit niya ay ang pagsasaayos ng kapulisan. Alam ni Marbil sa simula pa lamang na maraming pulis ang gumagawa ng illegal o ang mga scalawags. Hindi na lingid sa kanya na maraming pulis ang naliligaw ng landas at ito ang dahilan kaya bumabagsak ang imahe ng pambansang pulisya. Sa halip na tulungan ng mga pulis na maibangon ang kinaanibang organisasyon ay lalo pang inilulubog sa kumunoy.

Nang hawakan ni Marbil ang PNP marami nang “scalawags” at sa paglipas pa ng mga araw, lalo pang dumarami ang mga ito. Sa halip na masindak sa banta ni Marbil, lalo pang nagsabog ng lagim ang mga “scalawags”. Wala nang kinatatakutan. Hindi na nababahag ang kanilang buntot.

Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang mga balita sa mga pulis na naliligaw ng landas. At walang ibang tinatamaan ng kanilang ginagawang kasamaan kundi ang namumuno sa PNP—si General Marbil. Kargo ni Marbil ang mga ginagawang illegal ng kanyang mga nasasakupan.

Gaya ng ginawa ng dalawang pulis mula sa Caloocan City na inireklamo ng carnapping at robbery ng isang umano’y drug suspect sa Quezon City. Nakilala ang ang mga pulis na sina Staff Sgt. Rusell Ortega, 39, ng Bgy. Gaya-Gaya, SJDM, Bulacan at Cpl. Joel Taboga, 37, ng Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City. Itinuro ang dalawa ng biktimang si Gerald Andrade, 28, na kumuha umano ng kanyang pera at motorsiklo.

Noong Linggo, inaresto ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) si Lt. Col. Gideon Ines, Jr. matapos na iturong sangkot sa “rentangay” carnapping modus. Bukod kay Ines, dalawa pang suspect ang inaresto. Ayon sa may-ari ng sasakyan, nirentahan ito ng mga suspect subalit hindi na ibinalik at nalaman niyang ibi­nebenta ng mga suspek sa halagang P350,000.

Noong nakaraang buwan, dalawang miyembro ng Special Action Forces (SAF) ang nabistong nag-eeskort sa POGO official sa Ayala-Alabang. Tinanggal na sila sa puwesto. Ayon sa report, siyam na superiors din ang sinibak.

Parami nang parami ang “scalawags” sa PNP at malaking hamon ito kay Marbil. Naniniwala kaming ipatutupad niya ang reporma sa PNP para ganap na malipol ang “scalawags”. Kung hindi magsasagawa ng pagbabago, mababaon pang lalo sa kumunoy ang PNP.

vuukle comment

FRANCISCO MARBIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with