^

PSN Opinyon

Suport nang maraming bansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGLABAS ng pahayag ang Group of Seven (G7) hinggil sa nakababahalang kilos ng China sa South China Sea, kabilang na rin ang West Philippine Sea pati ang muling pagtibay ng posisyon na walang basehan ang malawakang pag-aangkin ng China sa karagatan.

Sinita ang paggamit ng water cannon at peligrosong paghaharang o paglalayag sa mga barko ng Pilipinas. Ku­montra rin ito sa militarisasyon ng China ng mga arti­pisyal na isla. Iginiit din ang desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration na dapat igalang ng lahat ng may kaugnayan sa mga isyu sa karagatan.

Nagsimula na rin ang pagpapatupad ng China ng bagong batas kung saan may karapatan daw silang arestuhin at ikulong ang sinomang papasok sa kanilang inaangking teritoryo nang walang paalam. Animnapung araw na iku­kulong nang walang paglilitis.

Ganunman, lumayag pa rin ang mga dakila nating mangi­ngisda sa Bajo de Masinloc o Panatag Shoal. Inabisuhan na lang sila na umiwas sa Chinese Coast Guard (CCG). Pero paano naman nila magagawa iyon kung mas mabilis ang CCG.

 Pagsubok ito sa bagong batas na iyan. Kung sakaling ipatupad ng China at hulihin nga ang ating nga mangi­ngisda, siguradong hahango sila ng batikos mula sa ma­raming bansa. Alam natin na manhid ang China sa mga ganyan, pero kung may inaresto na silang mamamayan natin baka ibang usapan na iyan.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay hindi naman mapipigilan na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang ating mga karapatan. Naglagay ng karag­dagang patrol sa karagatan para mabigyan ng proteksiyon ang mga mangingisda.

Hindi rin natuwa si President Ferdinand Marcos Jr. sa bagong batas na ito. Dagdag lang daw ito sa tensiyon sa West Philippine Sea. Pero idadaan pa rin sa diplomasya kung kinakailangan. Mabuti na’t ang China ang kontrabida, hindi tayo. Mas makukuha natin ang suporta nang maraming bansa kung hindi tayo papatol sa panggigipit ng China.

Pero nag-aalala ako para sa ating mga mangingisda. Sila naman ang malalagay sa alanganin kapag nataon. Sino naman ang may gustong maaresto kahit walang ginawang mali.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with