^

PSN Opinyon

Unibersidad sa Capiz, kinukuwestiyon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Ilang araw na lang at graduation na ng senior high school. Maraming magulang ang masisiyahan dahil makakatuntong na sa colleges ang kanilang mga anak. Sa araw ng graduation, maraming local officials ang dadalo para magpapogi sa darating na 2025 election. Malaking bagay na makita ang kanilang mga mukha sa entablado. Kadalasan, local officials ang nag-aabot ng diploma sa mga ga-graduate. Malaking bagay ito para maiboto muli sa 2025.

Samantala, nalaman ko na itong Capiz State University sa Bgy. Bailan ay nagtaas ng standard ng mga grado bago nila tanggapin ang mga estudyante. Ayon sa aking source, hindi tatanggapin ng unibersidad ang mga bagong graduate na ang grade ay 70-79. Paano naman kung nasa passing grade naman ang record ng kabataan na nais mag-enrol sa unibersidad subalit sumabit sa grade na 76-79 sa kan­yang school card. Sigurado na sa malayong lugar na sila makakapag-enrol ng kanilang kurso.

Nananawagan ako kay Capiz Governor Fredeniel Castro na imbestigahan ang bagong standard na ipatutupad ng unibersidad. Sa tingin ko, maraming estudyante ang hindi na mag-aaral dahil hindi sila tinanggap sa naturang kolehiyo.

Hindi makatwiran ang hindi nila pagtanggap sa mga bagong graduate na estudyante na may markang 76-79 sa kanilang school card. Sa hirap ng pamumuhay sa Capiz at ibang lugar, malaki ang ikinabababa ng grado ng mga kabataan kung ang mga ito ay tumutulong sa paghaha­nap­buhay sa kanilang mga magulang.

Kadalasang bumababa rin ang grado ng mga estudyante kung hindi nakakapasa ng kanilang mga project dahil nga sa kakapusan ng pera para mabili ang kagamitan.

Nananawagan ako kay Castro at sa mga training school na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mahina sa klase na makapag-enrol sa mga short courses katulad ng: meka­niko, electrician, dress making at iba pa na madali nilang matutunan at magbibigay sa kanila ng trabaho sa hinaharap.

vuukle comment

CAPIZ STATE UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with