^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Ipagpatuloy ang pagpapatrulya

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Ipagpatuloy ang pagpapatrulya

IPINATUPAD ng China ang kanilang “no trespass rule” sa South China Sea noong Sabado. Sa polisiya ng China, aarestuhin ng kanilang coast guard ang sinu­mang papasok sa inaangkin nilang karagatan. Ikukulong nila ng 60 araw na walang paglilitis ang mga mahuhuli na papasok sa kanilang inaangking teritoryo. Samantala, nagbanggaan kahapon ang Philippine Coast Guard at China Coast Guard sa Ayungin Shoal. Sabi ng China, pumasok daw sa kanilang teritoryo ang PCG. Hindi naman pinatulan ng PCG ang maling report ng China. Kapag may nangyayari, lagi nang maling­ impormasyon ang inihahayag ng China. Hindi raw muna magko-comment ang PCG sa nangyari sapagkat mapanlinlang umano ang mga pahayag ng China.

Pinakamaganda na paigtingin ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard ang pagpapatrulya sa West Philippine Sea. Ngayong naglabas ng kautusan ang China na aarestuhin ang papasok sa inaangking karagatan, dapat namang pagsikapan ng Pilipinas ang regular na pagpapatrulya. At kung ang banta ng China ay aarestuhin ang papasok sa kanilang karagatan, dapat ganito rin ang polisiya ng Pilipinas. Ares­tuhin din ang sinumang papasok sa teritoryong sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Hindi lamang China ang may karapatang maglatag ng polisiya.

Mayroong karapatan na magpatrulya ang PAF at PCG sa WPS sapagkat bahagi ito ng tungkulin na pro­­tektahan ang teritoryo sa mga dayuhang papasok at pati na rin sa mga nangyayaring smuggling acti­vities. Inihayag naman ng PAF na kailangan nila ng karag­dagang air assets kabilang ang unmanned aerial vehicles para makatulong sa pag-monitor sa WPS. Mahalaga raw mabantayan ang eastern seaboards at kati­mugang bahagi ng bansa.

Isa rin sa kabutihang maidudulot ng regular na pagpapatrulya ng PAF at PCG sa WPS ay mababan­tayan ang mga mangingisda na matagal nang ginigipit ng China Coast Guard at mga Chinese militia. Marami nang pagkakataon na hinarass ng CCG ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc. Hinahabol at binobomba sila ng tubig ng CCG kaya wala silang nahuhuli. Maski ang mga nakukuha nilang clam at iba pang shell ay kinukumpiska at itinatapon ng CCG. Umuuwing luhaan ang mga mangingisda at walang naiuuwi sa kanilang mga pamilya.

Nakapagpapalakas naman ng loob ang sinabi ng PCG na hindi sila natatakot at patuloy silang magpapatrulya at hinikayat ang mga mangingisda na ituloy lamang ang kanilang pangingisda sa lugar. Nararapat saluduhan ang PCG at PAF sa kanilang kabayanihan. Hindi dapat matakot sa China.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with