^

PSN Palaro

PSBL kasado na sa Hulyo 24

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng ba­gong liga na paniguradong mailalabas ang mga talento pagnai-ayos na ito ng Perlas ng Silangan Basketball League (PSBL) sa Hul­yo 24 sa Smart Araneta Coliseum.

Tututok ang LGU-ba­sed league sa mga kabataan, hindi lang sa basketball maging ang pagdevelop ng kanilang life skills sa lahat ng kasali sa kategoryang tulad ng Under-11, Under-13, Under-15, Under-17, Under-19 at Under-21.

“This is a new deve­lopmental league that will cover at least seven regions. And ang kaibahan is that kami ang lalapit sa mga kabataan. We will create a platform and reach out to everyone,” ani league founder Christian Ensomo sa naganap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex kamakalawa.

Ayon kay Ensomo, kum­pirmadong sasali ang teams mula Bulacan, Caloocan, Quezon City, Manila, Parañaque at Taytay sa Rizal.

Ilalaro ang NCR leg sa Amoranto Stadium sa Quezon City at San Andres Gym sa Manila, pakay din ng liga na mapuntahan ang Cordillera Region, Bicol, Cebu, Davao at Cagayan de Oro.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with