^

PSN Opinyon

Tips para humaba ang buhay; Umiwas sa matatamis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

DEPENDE sa mga desisyon natin sa buhay, puwedeng humaba o umikli ang ating buhay. Alamin kung anu-ano ang mga ito:

1. Ikaw ba ay naninigarilyo? Lampas ka ba sa 10 sticks sa isang araw? Kung oo, mababawasan ka ng anim na taon sa buhay. Kaya itigil na ang paninigarilyo. Ayon sa pagsusuri, kapag hininto mo ang iyong paninigarilyo ng anim na buwan, makababawi ka na ng 1 taon sa buhay. At kapag hininto mo ng limang taon ang iyong paninigarilyo, makababawi ka ng limang taon! Kaya iwaksi na ang paninigarilyo.

2. May kasama ba kayo sa bahay o sa trabaho na naninigarilyo? Nalalanghap mo ba ang usok ng kanilang sigarilyo? Kung oo, mababawasan ka ng dalawang taon sa buhay dahil para ka na ring naninigarilyo.

3. Ikaw ba ay lasenggo? Kung oo, mababawasan ka ng apat na taon sa buhay.

4. Ngunit kung lilimitahan mo sa isang basong red wine ang iyong pag-inom sa isang araw, ay puwedeng humaba ng isang taon ang iyong buhay. Maganda kasi ang red wine para sa puso.

5. Kaya mo bang tawanan ang iyong problema? Masiyahin ka bang tao? Kung oo, hahaba ng isang taon ang iyong buhay.

6. Umiinom ka ba ng gamot para sa high blood o diabetes? Nako-kontrol ba ang iyong blood pressure o blood sugar? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng apat na taon, kumpara sa isang taong hindi umiinom ng gamot.

7. Nakikipag-sex ka ba ng dalawang beses bawat linggo? May asawa o regular partner ka ba? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng dalawang taon. Mabuti ang sex sa pag-iwas sa prostate cancer ay parang ehersisyo rin ito ng katawan.

8. Marami ka bang sex partners? Lampas tatlo ba ang iyong ka-relasyon? Kung oo, mababawasan ka ng anim na taon sa iyong buhay. Delikado kasi ang sexually transmitted diseases (STD).

9. May alaga ka bang aso sa bahay? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng dalawang taon. Nagbibigay ng pagmamahal ang mga aso. Ayon sa pagsusuri, walang gaanong benepisyo ang pag-aalaga ng pusa. Hindi kasi malambing ang mga pusa.

10.Mayroon ka bang mga kaibigan na mas matanda o mas bata sa iyo? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng isang taon. Ito’y dahil ang mga bata ay matututo sa mga matatanda. At ang matatanda naman ay makukuha ang lakas at energy ng mga bata. Huwag makipagkaibigan sa mga kaedad mo lang. Lawakan mo ang iyong pananaw at hahaba ang iyong buhay.

* * *

Bawas asukal at iwas sa matatamis

May mga pasyente akong nagtataka kung bakit hindi sila pumapayat. Kapag tinanong ko sila, ang sabi nila ay isang mangga ang nakakain nila bawat kainan. Kaya naman pala!

Matamis at mataas sa asukal ang mangga. Oo, may tulong sa ating katawan ang asukal. Binibigyan tayo ng energy. Ngunit kung sosobra ay nakatataba at puwede tayong magka-diabetes. Alam ba ninyo ang taglay na asukal ng mga pangkaraniwang pagkain? Tingnan natin.

1. Raisins 42.5 g ng Sunmaid Raisins (½ cup) = 7 ½ kutsaritang asukal (120 cal)

Mas mababa sa asukal ang strawberries kumpara sa ubas, mangga at dried fruits.

2. Walong baby carrots o half cup (85 g) = 1 kutsaritang asukal (30 cal)

3. Isang malaking orange = 5 ½ kutsaritang asukal (132 cal)

Kapag mas matamis at mas hinog, mas maraming sugar. Piliin ang mga prutas na bagong hinog lang. Huwag piliin ang mga overripe na prutas.

4. Three-fourth cup plain cereals = 1 kutsaritang asukal (120 cal)

Pero ang three-fourth cup ng frosted cereals = 3 kutsaritang asukal (120 cal)

5. Isang regular na mais = 1 ½ kutsaritang asukal.

6. Isang ensaymada na may butter = 8 kutsaritang asukal at 5 kutsaritang butter

Kung nagpapapayat, piliin na lang ang pandesal o monay.

7. Isang scoop ng regular ice cream = 5 ½ kutsaritang asukal (240 cal)

Pero ang 1 cup unsweetened 6 oz yogurt = 3 ½ kutsaritang asukal (100 cal)

Mas masustansya ang yogurt kaysa sa ice cream.

8. Isang coffee drink with whip cream (16 oz grande) = 12 kutsaritang asukal (380 cal)

At pagdating sa mga inumin na may whip cream, ice cream at tsokolate, sadyang mataas iyan sa asukal. Pero, okay lang naman kung ika’y payat at gusto mong magpataba. Ngunit kung ikaw ay diabetic at gustong pumayat, piliin ang mga pagkaing mababa sa asukal.

Mas healthy ang asukal ng prutas na kung tawagin ay fructose, kumpara sa white sugar. Kaya maging maingat sa mga nakatagong asukal sa ating pagkain.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with