^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Milyong Pinoys ang walang malinis na inuming tubig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Milyong Pinoys ang walang malinis na inuming tubig

Nakagugulat ang sinabi ng isang opisyal ng De­­partment of Environment and Natural Resources (DENR) na 40-milyong Pilipino ang walang malinis na inuming tubig. Ayon kay DENR Undersecretary Carlos David, karamihan sa mga Pilipino ay umiigib ng inuming tubig sa bukal, sapa at sumasahod ng tubig ulan. Ayon kay David, karamihan sa mga Pinoy na walang malinis na tubig ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).

Pinatututukan na umano ni President Ferdinand Marcos Jr. ang problemang ito. Sinabi ni David na nag­sasagawa na sila ng mga paraan para mabigyan ng malinis na inuming tubig ang 40-milyong Pilipino sa maraming komunidad partikular na sa Mindanao.

Isa sa mga naiisip nilang paraan para mabigyan ng malinis na tubig ang mamamayan ay ang desalination process kung saan ang tubig mula sa dagat ay mako-convert sa fresh water. Target na mabigyan ng desa­lination machine ang 65 barangays. Nagkakahalaga ang desalination machine ng P5 hanggang P8 milyon bawat yunit.

Una nang sinabi ni David ang kawalan nang malinis na maiinom na tubig ng 40-milyong Pinoys noong nakaraang Enero 2024 at walang pagbabago ang kan­­yang datos. Ayon kay David, nangangailangan ang pa­mahalaan ng P250 bilyon para mabigyan ng ma­linis­ na tubig ang mamamayan na karamihan ay nasa BA­RMM. Bukod sa BARMM, marami rin ang walang access sa malinis na tubig sa Bicol Region, Central Vi­sayas, Zam­boanga Peninsula, Agusan del Sur at Samar.

Ang kawalan ng malinis na inuming tubig ang dahilan ng pagkakasakit ng diarrhea at cholera. Mayroong umiigib sa balon at sapa na kontaminado ng dumi ng tao at hayop.

Mariing sinabi ni David na ang pondo para sa pagbibigay ng malinis na tubig sa mga barangay ay nararapat manggaling sa national government. Kung hindi makakaya ng municipal government ang pagkakaloob ng malinis na tubig sa kanilang nasasakupan, dapat ang national government na ang kumilos para rito.

Mahalaga ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig para makaiwas sa mga sakit. Iprayoridad ng kasalukuyang pamahalaan ang pagkakaloob ng malinis na inuming tubig. Hindi sana pawang drowing at pangako ang pagkakaloob nito. Kawawa naman ang mamamayan na tubig lamang ay napagkakaitan pa.

vuukle comment

DE­­PARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with