^

PSN Opinyon

Video karera, nagsulputan sa southern Metro!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Pinaiikutan ng mga tauhan niya si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez? Kasi nga, humahangos na nagreport ang kosa ko na may nakalatag na video karera sa Parañaque City at Las Piñas City. Hindi lang ‘yan, kaya hindi mahuli-huli ang mga makina dahil may “timbre” sa kapulisan. Dipugaaaaa!

Tiyak hindi alam ni Nartatez ito dahil umiiral pa ang kanyang “no take policy” sa illegal gambling. Get’s n’yo mga kosa? Masyadong matapang naman ang nasa likod ng naglipanang makina ng video karera at hindi inalintana ang galit ni Nartatez. Lagot kayo kapag naging PNP chief si Nartatez. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Mukhang mahina ang intel ni Nartatez, eh walang puknat naman ang raid ng RSOG nila sa illegal gambling. Paano nakaligtas kay NCRPO intel chief Col. Jojo Mendez itong video karera sa southern Metro Manila? Araguyyyy!

Si Col. Melvin Montante, ang hepe ng Parañaque City police, kaya bulag din sa video karera sa lugar niya? Si Montante ay intelligence chief ni Nartatez sa Calabarzon police. At RSOG naman ni ex-NCRPO chief Vicente Danao kaya tiyak alam niya ang kalakaran sa illegal gambling sa Metro Manila. Baka may sakit na limot si Montante kung VK ang pag-uusapan?

Si Col. Segundo Lagundi Jr. na hepe ng Las Piñas police, wala rin kayang alam sa VK sa area niya? Para silang si Bamban Mayor Alice Guo na malilimutin.

Ibinawal na ang video karera mula noong panahon ni Tatay Digong dahil sa higpit ng kampanya versus droga. Open secret naman ‘yan na ang kadalasang tumatangkilik sa video karera ay mga adik sa droga.

Hindi lang ‘yan, pati kabataan, imbes na sa eskuwela gagastusin ang karampot na baon nila ay nagbabakasakali pa sa video karera. Kaya ang lahat ng PNP chief noon hanggang kay ex-PNP chief Benjie Acorda Jr. ay ipinagbawal ang VK. Kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kaya, puwede? Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung hindi man napansin ni Nartatez ang mga video karera, abayyy nakabawi naman siya dahil nakakumpiska ang mga tauhan niya ng P85.8 milyon na halaga ng droga sa dalawang araw na operation sa Metro Manila.

Sa report na natanggap ni Nartatez, umabot sa 51 katao ang naaresto sa isinagawang 31 operations noong May 16-17. Nakumpiska ang 12.6 kilos ng shabu, at 165 gramo ng marijuana. E di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sabay report naman ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na 28,662 barangays ang deklaradong “drug-cleared”, samantalang may 6,853 barangays pa ang kanilang nililinis mula manungkulan si President Bongbong Marcos noong 2022. Ang nasabing mga barangay ay dineklarang malinis na sa droga matapos i-certify ng mga miyembro ng PDEA Oversight Committee.

Umabot naman sa 6,178 high value targets sa buong Pinas ang naaresto at naipakulong. May 92,901 mga adik na naaresto sa isinagawang 68,296 operations, ani Lazo. Sa nasabing panahon, umabot sa 981 drug dens at shabu laboratory ang nabuwag samantalang P43 bilyong halaga ng droga ang nakumpiska. Ang sabit sa bangs nito. Abangan!

vuukle comment

MELENCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with