^

PSN Opinyon

Lumaki nang lumaki na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NILINAW ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na wala siyang intensiyong mamuno sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) dahil nasa ilalim pa ito ng Presidential Security Command (PSC). Ito matapos makatanggap ng subpoena si Col. Raymund Lachica at mga tauhan niya mula sa Philippine National Police (PNP). May kinalaman siguro ito sa banta ni VP Sara Duterte sa buhay nina Pre­sident Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romuladez kung siya ang unang mapatay.

Nahaharap din si Col. Lachica sa isang reklamo mula sa Quezon City Police District (QCPD) dahil sa insidente kung saan tinulak ni Lachica si QCPD Medical and Dental Unit chief Lt. Col. Jason Villamor nang ilipat na si Office of the Vice President (OVP) chief of staff Zuleika Lopez mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) papuntang St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Quezon City. Kasama si VP Duterte at iba pang tauhan ng VPSPG sa reklamo.

Hindi pa alam ni Brawner kung ilan ang papalitang tauhan ng PNP at AFP mula sa VPSPG. Pinag-aaralan pa. Ang VPSPG ay binubuo ng mga tauhan mula sa PNP at AFP. Nasa 350 ang miyembro ng VPSPG. Ganyan karami ang nagbabantay sa VP pero ganunman, may banta raw sa kanyang buhay. 

Ayon naman kay dating senador Antonio Trillanes IV, matatag sa likod ni President Marcos ang mga mata­taas na opisyal ng AFP pero hindi dapat maging kampante ang administrasyon. Ito matapos manawagan ni dating President Rodrigo Duterte na tanging ang militar na lang ang makakaayos ng “gobyernong puro lamat na”. Hindi ito ang unang beses na nanawagan ang ex-president sa militar na tila tanggalin ang kasalukuyang administrasyon. Kaya tama si Trillanes sa pagbigay babala na huwag maging kampante sa sitwasyon.

Lahat ng ito ay bunsod ng imbestigasyon sa kung paano nagastos ang confidential at intelligence funds (CIF) ng OVP. Lumaki nang lumaki na ang isyu, nauwi na sa pagbanta ng patayan. Mukhang dapat malaman na talaga kung ano ang nangyari sa CIF ng OVP.  

K KA LANG?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with