^

PSN Opinyon

Bida ang kalikasan sa QC

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Bida ang kalikasan ngayong buwan dahil ipinagdiriwang natin ang Environmental Awareness Month, Climate Change Consciousness Month, at Clean Air Month.

Bilang siyudad na masugid na tagasuporta ng mga pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan, ikinasa natin ang kauna-unahang QC Eco Run: “Run Green, Breathe Clean” na simbolo ng ating pakikiisa sa mga pagdiriwang na ito.

Tagumpay ang event dahil mahigit 6,000 QCitizens ang lumahok sa tatlong race routes na 10km, 5km, at 2km jog/walk. Bukod pa riyan, nagkaroon din ng Dance Fitness Ma­ra­thon na naging patok din sa mga kalahok.

Napakahalaga ng ganitong event dahil nagsisilbi itong daan para mas maisulong ang kahalagahan ng panganga­laga sa kalikasan.

Para mabigyang din ang hangarin nating ito, ipinagbawal natin sa QC Eco Run ang paggamit ng single-use plastic, tulad ng PET bottles, plastic cups, straws, at sachets.

Naglagay din tayo ng water refilling stations sa desig­nated areas ng Eco Run para hikayatin ang mga kalahok na gumamit ng reusable na kagamitan.

Sa ating lungsod, mahigpit nating isinusulong ang paggamit ng reusable items tulad ng water tumblers bilang tugon sa plastic pollution.

Matagal nang umiiral sa ating lungsod ang City Ordi­nance 2876-2019 na nagbabawal sa paggamit ng single-use plastics sa mga hotel at plastic utensils sa mga dining-in customer sa mga restaurant. Bawal din ang paggamit ng plastic bags, sa bisa ng City Ordinance 2868-2019.

Kung hindi kasi maitapon nang tama, ang single-use plastic ay maaaring bumara sa daluyan ng tubig o drainage system na magiging sanhi naman ng pagbaha.

Muli nating inuulit ang panawagan sa QCitizens na suportahan ang adhikain nating ito. Sa tulong niyo, maba­ba­wasan, kung hindi man tuluyang mawakasan, ang plastic pollution sa lungsod.

CLIMATE CHANGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with