^

PSN Opinyon

Digong, Sara, security threat na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG National Security Council (NSC) ay isang espesyal na konseho na pinupulong ng Presidente kapag may banta sa pambansang seguridad.

Ang Presidente ang chairman at kasapi rito ang mga namumuno sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pati na ang Senate President at Speaker of the House. Kasapi rin dito ang mga dating Presidente ng bansa at ang Vice President.

Ngunit binalasa ni President Bongbong Marcos ang kon­­seho at tinanggal ang mag-amang dating President Du­terte at Vice President Sara Duterte. Hindi ko na idedetalye ang rason kung bakit inalis ang mag-ama na alam na nating kumikilos nang aktibo laban kay Bongbong.

Highest policy making body ng gobyerno ang NSC pag­dating sa mga bagay na panseguridad. Paano mo gagawing kasapi ang sinumang direktang banta sa national security?

Puwedeng tuligsain ang Presidente sa ginawa niya ngu­nit­ siya ang Presidente ng bansa na target ng destabilization­ move ng mga Duterte kaya wastong hakbang lang ang ginawa niyang pagtanggal sa mag-ama.

Kaya komo lantaran nang kinukonsidera ng adminis­trasyon­ ang mag-ama bilang national security threat, ayon sa mga poli­tical analyst, posibleng matuloy ang impeachment laban kay Sara at pag-aresto sa kanyang tatay na si Digong.

Ano pa nga ba ang aasahan nating gagawin ng admi­nistrasyon upang mawala sa landas nito ang banta laban sa Presidente? Komo Presidenteng nanunungkulan si Bong­bong, mayroon siyang constitutional authority na gawin ang lahat bilang pagdepensa sa Konstitusyon.

Anong hakbang naman kaya ang gagawin kay Digong? Ipaghaharap na ba ng demanda o makikipagtulungan na ang pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) sa pag-usig kay Digong sa kasong crime against humanity?

Kahit sa panahon ni Sara bilang mayor sa Davao ay lumaganap din ang extra-judicial killings kaya puwedeng madamay din siya sa kasong isasampa ng ICC.

NSC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with