^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mahal na bigas, pasang krus sa mga mahihirap

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL â Mahal na bigas, pasang krus sa mga mahihirap

KUNG bibisitahin ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr., ang mga tinitindang bigas sa mga palengke sa Metro Manila, ang mga presyo ng bigas kada kilo ay nagsisimula sa P50 hanggang P65. Wala nang mas mababa pa rito. Sa presyong P50 bawat kilo, nahihirapan na ang mamamayan lalo na ang kakaram­pot ang suweldo. Paano pa ang mga kumikita lamang ng P300 bawat araw gaya ng mga jeepney at traysikel drayber. Ang kinikita ngayon ng mga drayber ay P300 hanggang P400. Kung bibili sila ng apat na kilo ng bigas, P200 na iyon. Ano pa ang ibibili ng ulam? At hanggang kailan aabot ang apat na kilong bigas?

Nang ibaba ni President Ferdinand Marcos Jr. ang taripa para sa imported na bigas, ang inaasahan niya ay bababa ang presyo ng bigas. Pero nagkamali siya sapagkat sa halip na bumaba, lalo pang tumaas ang presyo. Sa halip na makakain nang husto ang mga mahihirap, lalo pang nagsalat—kanin lamang ay hindi pa mapunuan ang kumakalam na sikmura.

Noong Lunes, sinabi ni Secretary Tiu Laurel na plano niyang magpatupad ng maximum suggested retail price sa imported na bigas para maiwasan ang profiteering. Ayon kay Tiu Laurel, hindi dapat umabot sa P65 kada kilo ng imported na bigas sa mga palengke. Kapag umabot aniya sa ganito kataas na presyo, ma­liwanag na ito ay profiteering. Sa lalong madaling pa­nahon aniya ay ipatutupad ang sinasabi niyang MSRP system. Makikipagpulong umano siya sa rice importers at retailers para maipatupad ang MSRP.

Kung ang imported na bigas ay hindi dapat umabot­ sa P65 per kilo, mataas pa rin kung tutuusin ito. Hindi kaya ng mahihirap ang presyong mula P50 hanggang P64. Ang pinaka-ideyal na presyo ng bigas na maaabot ng mahihirap na mamamayan ay P40 per kilo. Ang ganitong presyo ang inaasahan nang ibaba ni Marcos Jr. ang taripa sa imported na bigas. Ang nararapat gawin ng DA, humanap ng paraan para mapababa hanggang P40 per kilo ang bigas.

Noong Hunyo 2024, iniisyu ni Marcos Jr. ang Exe­cutive Order 62 na nagbababa sa taripa ng imported rice mula 35 percent sa 15 percent. Layunin ng EO na mapababa ang presyo ng bigas pero walang epekto. Isa sa dahilan kaya hindi bumababa ay dahil sa sabwatan ng mga ganid na rice importers at negosyante.

Maaring patuloy pa rin ang sabwatan ng mga ganid kaya nagmistulang ginto ang bigas. Ang sabwatang ito ang dapat putulin ng DA ganundin ang hindi maawat na agricultural smuggling. Hamon ito kay Tiu Laurel ngayong 2025. Pagaanin ang pasang krus ng mga mahihirap dahil sa mahal na bigas.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with