"Fresh and Healthy” DUNGO MINI HYDROPONICS FARM
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang hydroponics farm sa Laguna.
Ang akin tinutukoy ay ang Dungo Mini Hydroponics Farm na pag-aari ng dating Over-seas Filipino Workers (OFW), isang magsasaka at mechanical engineer na si Oliver Dungo. Makikita ito sa Sitio Kabaritan, Sto Domingo, Bay Laguna.
Kasama ni Oliver sa pagma-market ng kanilang bagong harvest na lettuce ay ang kanyang misis na si Doris P. Dungo, master teacher I sa public school sa Bambang Elem. School Los Baños Laguna.
Ayon kay Oliver, noong una ay libangan lamang sana niya ang pagtatanim ng lettuce at personal consumption lamang ng kanyang pamilya ang ani nila.
Pero noong nai-post sa social media ang kanilang magandang ani at marami ang interesadong bumili ay naging negosyo na nila ito.
“Malaki ang demand dito sa aming ng fresh lettuce, lalo na ang mga restaurant na Samgyupsal, maramihan kung sila ay bumili at ang gusto ay tuloy-tuloy o sustainable,” ani Oliver.
Ginamit ni Oliver ang kanyang savings noong siya ay OFW pa lamang para bumili ng lote at kanyang ginawang farm.
Gumawa agad si Oliver ng malaking greenhouse na kanyang ginastusan ng malaking halaga at nag-ship na siya sa NFT Hydroponics Method of Farming.
Nag-conduct na rin ng mga seminar si Oliver para ibahagi sa iba ang technology na nais matuto ng hydroponics method of farming.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagdami ng mga tumatangkilik ng bagong harvest na lettuce na produce ng mag-asawang Dungo.
Sa Dungo Mini Hydroponics Farm ay siguradong safe, fresh, malutong at masustansiya ang kanilang harvest.
Kaya ano pang hinihintay nyo? Sugod na at magpareserba ng malutong na lettuce sa Dungo Mini Hydroponics Farm.
Sa mga nagnanais bumisita at maka-avail o bumili ng fresh lettuce at magpaturo ng pagtatanim nito sa pamamagitan hydroponics method of farming, i-text lamang po ninyo ang mag-asawang Dungo sa kanilang cell number na 0936-210-90-74 at 0992-257-86-17.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo ang kolum ng Magsasakang Reporter tungkol sa kanilang magandang tanim.
Ngayong Linggo, January 12, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at garden tour kay Oliver Dungo sa kanilang Farm sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood, mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest