^

PSN Opinyon

Magtatago na lang si Bato

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dismayado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil hindi raw naabisuhan si dating President Rodrigo Roa Duterte na aarestuhin ito sa NAIA pagdating mula sa Hong Kong.

Ayon kay Bato, ikinasama niya ng loob ang hindi pag­bibigay ng abiso ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año noong nasa Hong Kong pa si Duterte.

Si Año ay nagsilbi kay Digong mula 2018-2022. Nang mahalal si President Ferdinand Marcos Jr. itinalaga siya nitong kalihim ng NSA. Para kay Bato, lumalabas na walang utang na loob si Año dahil pinagkatiwalaan siya ni Digong bilang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Ibinulalas ni Bato ang mga sama ng loob matapos ngang arestuhin at ibiyahe sa The Netherlands si Digong. Sa tingin ni Bato, illegal ang pag-aresto kay Duterte.

Hindi lang si Bato ang humihiyaw ngayon ng katarungan dahil ang pamilya ni Duterte ay nag-apela sa Korte Suprema sa legalidad ng pag-aresto sa ex-president gayung ang Pili­pinas ay bumitiw na sa ICC noong 2019.

Sabi ni Bato, magtatago na lamang siya kapag nais­yu­han din siya ng arrest warrant ng ICC. Maraming na­pa­ngiwi sa sinabi ni Bato dahil dati itong PNP chief. Baka lahat ng mga may warrant of arrest ay magtago dahil sa sinabi ni Bato.

Nagpahayag naman si Senate President Chiz Escu­dero na puwedeng maging kanlungan ni Bato ang Senado su­balit may limitasyon ito. Hindi raw puwedeng arestuhin si Bato habang may sesyon ang Senado.

Inaabangan kung kailan isisilbi ang warrant kay Bato at iba pang personalidad kaugnay sa madugong war on drugs noong panahon ni Duterte. Unang sinabi ni Bato na sasamahan niya si Duterte sa kulungan pero biglang nag­bago ang kanyang posisyon at magtatago na lamang daw.

Samantala, sinabi ni Vice President Sara Duterte na ma­labo nang makabalik sa bansa ang kanyang ama. Kung hindi na makakabalik, ganito rin kaya ang mangyayari sa iba pang sisilbihan ng warrant. Wala nang uwian.

Kaya marahil, sinabi ni Bato na magtatago na lamang siya.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with