^

PSN Opinyon

Alisin ang Sinophobia

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Halos lahat ng Pinoy, pati ako ay may Chinese blood. Totoong gigil tayo sa galit sa harrassment na ginagawa ng China sa mga mandaragat natin na napapadpad sa West Philippine Sea (WPS) pati na sa ating Navy at Coast Guard.

Lalo tayong nagalit sa paglaganap ng mga POGO ng mga Chinese nationals. Pero huwag nating  idamay sa galit ang mga Chinese na naging Pilipino na.

Ayon sa survey ng Tugon ng Masa na ginawa ng OCTA research, 91 percent ng mga Pinoy sa survey ay naniniwalang ang China ang pinakamalaking banta sa Pilipinas.

Maraming Pinoy na umano ang nawalan na ng tiwala pati sa mga Filipino-Chinese. Sabi ni dating Senadora Nikki Coseteng, “Tsino ang aking mga ninuno at ikinararangal ko ito. Pero Pilipino ako,” ang pagbibigay diin niya.

Iyan din aniya ang pananaw nina Robina Gokongwei  ng Robinson at Tessie Sy-Coson ng SM. Ako, tinutuligsa ko rin ang China pero lagi kong binabanggit na may Chinese blood sa aking mga ugat.

Minsan unfair ang ilang tagapagbalita at komentarista lalo na sa mga naririnig at nabasa sa social media.

Umaapela sa media ang Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FCCCII) na bigyang pansin naman ang mga positibong isyu sa relasyon ng China at Pilipinas.

Hinanakit ni Meah Ang See, propesora sa De La Salle University “bakit parang sa mga Tsino lagi nakatuon ang mga negatibong balita?”

Ang FCCCII, ayon sa pangulo nito na si Cecilio Pedro ay nakatutok sa “people to people projects” na nagdudulot ng benepisyo sa mga piling grupo ng Federation.

Mayroon itong libreng seminars at workshop sa pagnenegosyo sa mga maliit na kompanya. Mayroon ding “Buy Filipino, Save Jobs” para ma-promote ang mga produktong Pinoy.

Dalawang proyekto ang inilunsad sa ika-70 anibersaryo ng FFCCCII. Ito ang rehabilitation ng Pasig River at pagpapaganda ng Calle Ongpin sa Chinatown. Ayon kay Coseteng, ito ay patunay sa maraming siglo ng Filipino-Chinese friendship.

OCTA

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->