^

PSN Opinyon

Pinalawig na paglilingkod sa QCitizens

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

NAGLABAS ng kautusan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagpapatupad ng modified working hours sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para mabawasan ang trapiko sa kamaynilaan.

Sa ilalim ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Resolution 24-08, itinatakda ang pasok sa local government units dito sa National Capital Region mula 7:00 a.m. hang­gang 4:00 p.m. Rason ng MMDA, makatutulong ito para maibsan ang trapiko dahil mas maagang papasok ang mga empleyado ng mga lokal na pamahalaan.

Bunsod ng maaga nilang pasok, hindi sila sasabay sa dagsa ng mga empleyado ng pribadong sektor tuwing rush hour sa umaga at hapon. Nagpahayag tayo ng kahan­daang sundin ang mandatong ito ng MMDA, ngunit nakita rin natin na ito’y isang pagkakataon para mapalawig ang ser­bisyo natin sa QCitizens. Dahil hindi natin puwedeng putulin ang office hours ng mga departamento at tanggapan na nag­­bibigay ng mahalagang serbisyo sa QCitizens, magiging 7:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. na ang paglilingkod natin.

Kailangang maglingkod hanggang 5:00 p.m. ang mga tauhan nating naghahatid ng social services, frontliners o public-facing personnel, teaching personnel, at mga tauhan sa mga tanggapan na nagpapatupad ng work shifting­ arrangements. Blessing in disguise nga ito para mas ma­­rami pa tayong QCitizens na mapagsilbihan. Hindi naman saklaw ng 7:00 a.m.-4:00 p.m. na working hours ang medical at allied positions, health center personnel, traffic enforcers­, at disaster risk reduction and management personnel.

Samantala, bilang proteksiyon naman sa ating mga empleyado laban sa matinding init ng araw, pinayuhan natin sila na palaging magsuot ng sumbrero. Sa ilang pag-aaral, natuklasan na malaki ang tulong ng pagtatakip ng ating mga ulo mula sa init ng araw para mapanatiling mababa ang blood pressure. Kaya sa unang araw ng ating 7:00 a.m.-5:00 p.m. working hours at pinaagang flag cere­mony,  namigay tayo ng mga sombrero na magagamit bilang proteksiyon sa init.

Maigi nang nag-iingat kaysa magsisi sa huli.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with