^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ba’t sangkatutak ang baril ni Quiboloy?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ba�t sangkatutak ang baril ni Quiboloy?

UNA nang ibinunyag ng isang dating tauhan ni appointed son of God at Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na may mga baril ang pastor. Ibinulgar ito sa pagdinig sa Senado na pinamunuan ni Sen. Risa Hontiveros. Ayon pa sa witness, nakita niya nang bigyan ni Quiboloy ng baril si dating President­ Duterte. Nakasilid umano sa bag ang mga baril. Pinabu­laanan ni Quiboloy ang sinabi ng witness.

Ngayon ay lumalabas na totoong maraming baril ang pastor. Sa record ng Philippine National Police (PNP), may 19 na baril si Quiboloy at pawang nakapangalan dito. Iba’t ibang kalibre umano ang baril na pag-aari ng pastor.

Noong Miyerkules, isinuko ng kampo ni Quiboloy ang limang baril sa Regional Civil Security Unit ng PRO 11 Davao City. Apat na handguns at isang long firearm ang sinurender.

Bakit lima lang? Nasaan na ang 14 pa? At saka pawang handguns at isang lumang long firearm ang isinuko? Totoo nga kayang 19 lang ang baril ng pastor­ na nahaharap sa mga kasong child abuse, sexual assault, trafficking at exploitation and discrimination. Una nang sinabi ni Quiboloy na hindi siya susuko.

Ang pagmamatigas ni Quiboloy na hindi sumuko ay maaaring dahil marami siyang armas at handa siyang lumaban. Kung iba’t ibang kalibre ng baril ang pag-aari niya, talagang magkakaroon siya ng lakas ng loob na huwag sumuko at lumaban na lang sa mga awtoridad.

Kinansela ng Firearms and Explosives Office (FEO) ang license to own and possess firearms ni Quiboloy at inaprubahan ni PNP chief Gen. Rommel Marbil. Binigyan ng anim na buwang palugit si Quiboloy para isuko ang mga baril. Sabi ni Marbil kay Quiboloy, huwag na itong magmatigas at sumuko na lamang. Isuko na rin umano ni Quiboloy ang 14 pa nitong baril.

Lubhang nakapagtataka kung paano nagkaroon nang sangkatutak na baril ang pastor. Maaring nakuha niya ang mga ito noong panahon pa ni dating President Duterte. Dating spiritual adviser ni Duterte si Quiboloy.

Nakapagtataka rin naman kung bakit binigyan pa ng anim na buwang palugit ng FEO si Quiboloy para maisurender ang kanyang mga baril. Ang mga hindi rehistradong baril ay dapat isinusurender agad at hindi na binibigyan ng taning. Sabi naman ng abogado ni Quiboloy, naibenta na raw ang mga baril at nasa pa­ngalan na ng ibang tao.

Ano ba ang nangyayaring ito at tila napapaboran ang isang pinaghahanap ng batas. Hindi na nga siya matagpuan ng PNP ay pinagkalooban pa ng kalayaan sa pagsurender ng mga baril. May kinatatakutan ba ang mga alagad ng batas?

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with