^

PSN Opinyon

Mga pagkain na nagpapahimbing ng tulog

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Para maging malusog ang ating katawan, kailangan natin ng sapat na tulog. Narito ang mga pagkaing makatutulong para maging mahimbing ang ating pagtulog:

1. Saging—Ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpaparelaks sa atin. Nababawasan din ang stress.

3. Kamote—Ang kamote ay may masustansiyang “complex carbohydrates”. Hindi ito gaanong nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ang kamote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium.

4. Oatmeal at cereals—Sa gabi, puwede naman hindi mag-kanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oat­meal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na makatutulong sa pagtulog mo. Puwede mo lagyan ng saging at gatas na masustansya rin.

5. Gatas—Ang gatas ay may tryptophan na nagpapa­bilis para antukin. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpapa-relaks sa atin.

6. Chamomile Tea—Ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan. Pinapa-relaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma rin.

7. Gulay at isda—Mabuting kainin bago matulog dahil madaling matunaw ang mga ito. Mababawasan din ang sintomas ng hyperacidity at GERD (Gastro-esophageal Reflux Disease).

Huling tip: Pagkatapos kumain sa gabi, maglakad-lakad muna ng 10-15 minuto. Ito’y para matulungan ang katawan sa pagtunaw ng ating kinain. Makaiiwas sa sakit tulad ng bangungot syndrome at mas hihimbing ang iyong pagtulog.

MALUSOG

TULOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with