Hindi pa rin nawawala ang brilliance ni Duterte
Maraming nag-aakala na dahil matanda na si dating President Rodrigo Duterte ay magiging makalimutin na ito at hindi na kayang makipagdebate o makipagsagutan sa sinuman gaya ng mga senador at mga kongresista na miyembro ng quad committee.
Ngunit nagkamali sila dahil hindi pa rin nawawala ang brilliance ni Duterte nang humarap sa pagdinig noong Miyerkules (Nobyembre 13) na inabot ng hanggang 12:30 ng hatinggabi.
Sa kabila niyon, napaka-sharp pa rin ng pag-iisip ng dating Presidente lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa batas.
Kaya nga sinabi niyang isa siyang abogado na naging prosecutor, naging mayor ng Davao City.
Minsan din siyang naging kongresista at naging Presidente ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022.
Napakalawak nga ng karanasan ni Duterte at napakalalim ng kanyang nalalaman lalo na sa batas. Binanggit din niyang nagturo siya ng criminal law sa eskuwelahan.
Dumalo si Duterte noong Miyerkules sa hearing ng House quad committee at sinagot ang tanong ng mga mambabatas ukol sa extra-judicial killings (EJKs) noong kanyang termino.
Nakatabi pa niya sa upuan si dating senador Leila de Lima at inambahan niya ng suntok. Nakipagtalo rin siya kay dating senador Antonio Trillanes at inambahan niyang hahampasin ng mikropono. May kaugnayan iyon sa isinampang kaso ni Trillanes kay Duterte na may kaugnayan sa bank account ng dating presidente at anak nito. Binantaan din ni Duterte si Trillanes na sasampalin sa publiko.
Sa pagdinig ding iyon sinabi ni Duterte na handa na siyang maimbestigahan ng International Criminal Court (ICC). Madaliin lang daw ng ICC ang pag-iimbestiga at baka mamatay na siya.
Sa kabuuan ng pagdinig, nakita ang brilliance ng dating Presidente.
- Latest