Sili

MAY mga pag-aaral at pagsusuri na may malaking tulong ang sili sa katawan.
Ang sikretong sangkap ng sili ay capsaicin. Ginagawa ng supplement ang capsaicin. Ang sili ay mayaman sa vitamin A, vitamin C, potassium, folic acid at fiber.
Maraming klase at kulay ang sili at mayroon ding hindi maaanghang. May kulay dilaw, berde at pula. Mas mabisa ang pulang sili.
Narito ang mga benepisyo ng sili:
1. Para sa may diabetes – Ayon sa pag-aaral, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita rin na nagpapababa ng blood sugar ang sili.
2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories para pumayat.
3. May tulong sa cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa rin ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
6. Nalaman din na posibleng makapigil sa prostate cancer ang sili.
Paalala: Wala namang masama kung paminsan-minsan tayong kumain ng sili, bilang gulay o sawsawan. Tandaan lamang na pantulong lang ito sa sakit.
Kailangan pa ring magpasuri sa doktor para sa tamang gamutan.
- Latest