COA report, gabay ni Hernandez sa pagseserbisyo sa Laguna!
Dalawang magkasunod na taon na binigyan ng positibong marka ng Commission on Audit si Laguna Gov. Ramil Hernandez na nagsilbing gabay niya sa patuloy na paglilingkod sa kanyang constituents. Malapit na kasi ang 2025 midterm elections kaya kung anu-anong paninira na ang ikinakalat ng mga kalaban ni Hernandez sa pulitika para gibain ang liderato n’ya.
Kaya lang, hindi pinapansin ni Hernandez ang mga patutsada laban sa kanya at itong COA audit report ang armas niya para ituloy lamang ang tamang pamamaraan sa panglingkod sa Laguna.
Noong 2022, binigyan ng COA si Hernandez ng markang “qualified opinion”, samantalang noong Nobyembre 13, “unmodified opinion” naman para sa 2024. Maliwanag pa sa sikat ng buwan na matataas na marka ang iginawad ng COA sa probinsiya ng Laguna. Get’s n’yo mga kosa? Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa kanyang post sa social media, ipinahayag ni Hernandez na patuloy lang siya sa tama at maayos na serbisyo kahit anong klaseng paninira pa ang ibato o gagawin ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Dipugaaa!
Kaya naman isinapubliko ng tanggapan ni Hernandez ang resulta ng COA audit para pasinungalingan ang patuloy na paninira ng ilang kampo na naglalayong sirain ang kanyang reputasyon at pahinain ang kanyang maayos na pamumuno.
Si Hernandez ay nasa third and last term na, kaya’t nagtataka ang mga kosa ko kung bakit tampulan pa siya ng negatibong report patungkol sa kanyang liderato. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang annual audit ng COA mga kosa ay isang pagsisiyasat na ginagawa tuwing magtatapos ang taon upang alamin kung ang isang ahensiya o tanggapan ng pamahalaan ay nakasunod at tumupad sa mga takdang panuntunan sa pamamahala ng naayon sa batas, lalo’t higit sa paggastos ng pera ng bayan.
Ito ay kadalasang binubuo ng auditor’s certificate, financial statements at mga audit observation at naangkop na rekomendasyon at marka para sa 2022.
Sa isang sulat na ipinadala ni COA Regional Director Atty. Resurreccion C. Quieta noong May 24, 2023, nagpasalamat siya kay Hernandez dahil sa buong suporta na ibinigay niya sa kanilang grupo. Nagresulta, aniya ito sa mabilis at maayos na pagsasagawa ng pagsusuri sa account books at records ng lalawigan.
Matapos ang maingat at komprehensibong pagsusuri, binigyan ng COA ng gradong “qualified opinion” ang pamahalaang lalawigan ng Laguna. Sanamagan! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Ang ibig sabihin ng qualified opinion mga kosa ay matapos ang pagsusuri ng COA, nakitaan ng sapat at naangkop na mga dokumento at maayos na salansan ng mga ulat ang isang ahensiya upang matiyak na naging maayos ang mga transaksyon noong nasabing taon ng pagsusuri.
Para naman sa taon 2023, muling pinapurihan ni Quieta si Hernandez sa kanyang liham noong Hunyo 10, 2024 dahil sa aniya, ay maayos na kooperasyon na muling nagresulta sa maayos na pagsasagawa ng annual audit.
At matapos ang maingat na pagsusuri, binigyan naman ng COA sa pagkakataong ito ang provincial government ng mas impresibong grado na unmodified opinion, na ibinibigay lamang kapag kumpleto ang applicable financial reporting network. Tsk-tsk-tsk! Hindi makakatulog ang mga kalaban ni Hernandez nito! Abangan!
- Latest