^

PSN Opinyon

Pangarap ng OFW inawit sa “Kabanata”

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Marami sa mga overseas Filipino worker ang nangi-ngibang-bansa sa panahon pa lang ng kanilang kabataan. Mahigit-kumulang na dalawampung taong  gulang pa lamang sila nang unang makipagsapalaran sa ibayong-dagat sa iba’t ibang kadahilanan na tulad ng paghahanap ng mas tamang oportunidad at mas magandang kinabukasan. Nagkakaroon ng mga pagbabago sa kanilang buhay na hindi nila inaasahan tulad ng pagtalikod, pagsasaintabi o pagtigil sa pagpapatupad ng kanilang mga naunang pangarap, hangarin, ambisyon at iba pa. Maging ang mga pangarap ay napapalitan sa bagong kabanata ng kanilang buhay sa dayuhang lupain. Mas malamang na ang naging trabaho nila sa ibang bansa ay iba o malayo sa dati nilang trabaho noong nasa Pilipinas pa sila.

Ilan ito sa maipapakahulugan sa “Kabanata,” isang bagong awitin para sa mga overseas Filipino worker na nilikha ng isang metal band na Pilipino sa bansang Qatar na kilala sa pangalang Sober Band. Pawang mga OFW din ang bumubuo rito na sina Richard Del Rosario (lead guitar), Drillon Laurinaria (drums), Jeffrey Lopez  (vocals), Edward Carpio ( rhythm) at Michael Velasco (bass guitar).

Bilang mga OFW, nagtatrabaho sa Qatar sina Drillon bilang call center agent; Jeffrey o Jepoi bilang document controller; Edward bilang RMD technical consultant; at Richard bilang restaurant manager.

Ayon naman kay Myles Inalisan  Laurinaria, manedyer ng Sober Band at may-ari ng MD Studio na tumutulong sa mga Filipino artist sa Qatar sa promosyon ng kanilang mga kanta, events o activities,  ang “Kabanata” ay para sa mga OFW na kahit hindi nila gusto ‘yung trabaho o hindi nila dream job, kinakaya. Pero umaasa pa rin na makukuha ang dream job in the future. Sa pangkalahatan, ang awiting ito ay patungkol sa lahat ng mga tao na napagkaitang maipursige ang kanilang minsang mga pina-ngarap.  Kasama ni Myles sa pamamahala sa MD Studio si Drillon na kanyang asawa.

Ipinaliwanag pa ni Myles na ang “Kabanata” ay hinggil sa “damdamin at pangarap ng ating mga kabataan na kailangan nating isantabi dahil sa circumstances ng buhay. Pahina ng ating buhay na nagsara at kabanatang naudlot pero hindi natin maiwanan at makalimutan. Mga pangarap noon na paulit-ulit binabalik-balikan at napapaniginipan. Mas better to give it a try imbes na puro ‘what if’ na lang. Open the book, turn the pages again, go further through, and finish the chapter.”

Tulad ito sa isinasaad sa panimula ng awiting Kabanata: “Paulit ulit sa aking isip / kahapong tinalikuran, pilit na buma-balik / Gumuguhit sa panaginip / Di mapi-pigilan kaya’t tuloy pa rin ang awit.”

Nabatid na ang “Kabanata” ay panga-lawang komposisyon ng Sober Band na takdang ilunsad bago magtapos ang taong 2023. May pamagat na “Sigh”ang una nilang komposisyon.

Si Jepoi na bokalista ng Sober Band ang kompositor ng “Kabanata” na, tulad ng naunang nabanggit, tungkol sa isang pangarap na ang hirap-hirap kunin pero pipilitin na maabot lalo na kapag ang gusto o dream job ang pag-uusapan. Pero gagawin para sa pamilya. Parang isang OFW, na kahit hindi n’ya gusto ang trabaho o minsan, hindi ‘yun ang napag-aralan, pipilitin para makaahon sa kahirapan. Pero darating ang panahon na makukuha ‘yun at magagampanan kapag nagtiyaga at nagsikap.

Nagmula sa Guagua, Pampanga ang 40 anyos na si Jepoi. Mahigit 10 taon na siya sa Qatar pero, bago siya nakarating dito, una siyang nagtrabaho sa Saudi Arabia. Dati siyang chief mechanic at equipment operator sa Pilipinas. Isa rin siyang visual artist, sign writer at tattoo artist. Taong 2013 nang pumunta siya sa Qatar dahil meron siyang dalawang anak na kailangang buhayin at dahil mababa ang sahuran sa Pilipinas kaya naisipan niyang mangibang-bansa.

Sinabi pa ni Myles sa isang panayam na ang “Kabanata” ay orihinal na “nilaro” ni Sheldon Hortelano sa gitara bago ipinadala sa kanilang group chat noong Pebrero 2023. “Then nilapatan agad ng lyrics on the spot, and of course there are adjustments and editing sa lyrics but it is musically arranged by SOBER BAND. Mixed and mastered by Mr. Drillon Laurinaria of course.”

Binuo sa Qatar ang Sober band na nagsimula sa magkakasimbahang sina Poi at Hortz. Ipinakilala ni Poi si Mike. Ang bahista kay Hortz bago ipinakilala si Edward na second guitar player.

Kuwento naman ni Jepoi, ayon kay Myles, “Matagal kaming naghanap ng drummer na committed na katono namin kumbaga hanggang sa na-meet namin in person si Drillon.

Gusto ko ang drumming skills niya pero ‘di namin ini-expect na siya pala ang nakatadhana na magtutuloy ng kabanata ng Sober. But unfortunately kinailangang umuwi sa ‘Pinas ni Hortz kaya kailangan namin maghanap ng magpi-“fill” sa puwesto niya at kinausap namin si Richard kung puwede ba siya sa amin gumitara at umoo naman. Si Richard na rin ang nagtuloy at gumawa ng bagong guitar solo ng ‘Kabanata’.”

* * * * * * * * * *

 

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with