^

PSN Opinyon

Color games

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAHIL mainit ang panahon, karamihan sa mga tao ay sa gabi na lamang naglalamyerda. Sa mga pampublikong park sila nagtutungo. Ang Quezon City Circle ay dinarayo ng mga taga-lalawigan dahil bukod sa ligtas ang lugar maraming malilibot na mga tanawin na nagkikislapan sa palamuti, bukod pa riyan ang Tiangge. Ang Cultural Center of the Philippine Complex ay napupuno rin ng mga bakasyunista dahil katabi lamang nito ang Star City. Ang kahabaan ng C.M. Recto na sumasakop ng Divisoria ay napakaraming namimili ng mga panregalo dahil mura ang mga bilihin. Ito ang night market ni Manila Mayor Erap Estrada. Sa kahabaan naman ng Taft Avenue mula sa Bac­laran hanggang sa may Libertad nagiging problema ito ng mga motorista dahil sinakop na ng sidewalk vendors ang kalye kayat ang ilan nating mga kababayan ay naglalakad na lamang upang makauwi sa kanilang pupuntahan. Ayon sa report, 15M umano ang nakokolekta sa mga vendors na pinaghahati-hatian ng mga suwapang na pulis, barangay officials, councilors at Office of the Mayor ng Pasay City. Hehehe!  Siyempre hindi rin pahuhuli itong Baclaran sa super tiangge nitong pasko dahil sinakop na rin ng vendors itong kahabaan ng Redemptorist Road, Roxas Boulevard Service Road at  Quirino Avenue kayat usad pagong ang daloy ng mga sasakyan. Ubos na kasi ang laway ni Mayor Olivarez sa kasisigaw sa kanyang mga alipores kung kayat maging siya ay namamantikaan na rin ng koleksyon. Ang lahat namang ng lansangan ng Makati City ay super aliw ang dulot sa mga motoristang mamamasyal dahil sa iba’t ibang klasing palamuti at nagkikislapang Christmas decors sa mga street lights post at mga gusali.

Kayat kahit na buryong na  kayo sa sobrang trapik na dinaranas sa araw tiyak na mapapawi ito oras na makara-ting kayo sa mga nabanggit kung lugar. Kasi nga sinabi ng Philip­pine National Police na magiging safety ang lahat matapos na ipakalat ni PNP chef Ricardo Marquez at NCRPO director Joel Pagdilao ang lahat ng kapulisan sa kalye. Ngunit may nasilip lamang tayo rito mga suki sa Lugar ng E. Reyes Avenue, Makati City na dapat na busisiin ni S/Supt. Ernesto Barlam. Kasi nga diyan sa may center island ng E. Reyes Avenue may nakapuwestong peryahan na hitik na hitik sa mga parukyano, subalit pagdating pala ng 11 ng gabi may apat na lamesa ng color games na pag-aari umano ni Roel at minimentina ni Bernard, alias Nardz. Tumatabo ito ng limpak-limpak na datung mula sa kanilang mga nadadayang parukyano. Hehehe! Hindi rin nagpahuli si Mike at Nono dahil may puwesto rin sila ng 4 na lamesa ng color games sa Canaynay Avenue, Evacom, Paranaque City. Ito kasing bakanteng lote ng Evacom ay nilagyan ng peryahan upang maaliw ang mga constituent ni Paranaque City mayor Edwin Olivarez subalit ang katusuhan nitong sina Mike at Nono ay nakakapanluko ng mga sugarol. Limpak-limpak din ang naibubulsa nila sa mga naluluko nila at ang balita ko malaki ang hatag kay Paranaque City Police chief SSupt. Ariel Andrade. Kaya panawagan ko kay PNP chief Marquez at NCRPO dir. Pagdilao na bunutin ang mga puwesto nina Roel/Bernard sa Makati at Mike/Nono naman ng Paranaque City dahil kung perya lang tiyak na marami ang malilibang subalit kung may kasamang color games tiyak na darami ang kriminal sa lugar. Get nyo mga suki! Abangan!

ACIRC

ANG

ANG CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINE COMPLEX

ANG QUEZON CITY CIRCLE

CITY

DAHIL

MAKATI CITY

MGA

NONO

PARANAQUE CITY

REYES AVENUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with