^

PSN Palaro

1st Gold sa Palaro itinakbo ni Paraase

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
1st Gold sa Palaro itinakbo ni Paraase
Emosyonal na tinawid ni Asia Paraase ng Lapu Lapu City School Central Visayas Region VII ang ginto sa 3000 meter run secondary girls.

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Pajo National High School standout Asia Paraase ng host region ang unang gintong medalya sa 2024 Palarong Pambansa na ginaganap sa Cebu City Sports Center sa Cebu City.

Naging inspirasyon ng 17-anyos na si Paraase ang kanyang ina upang makuha ang ginto sa se­condary girls 3,000-meter run sa bilis na 10 minuto at 27.36 segundo.

“Si mama yung nag-in­fluence sa akin (para tu­makbo). Nagsimula ako sa runing since Grade 6 ako,” ani Paraase na mula sa Lapu-Lapu.

Pumangalawa lamang si Chrishia Tajarros ng E­astern Visayas na may naitalang 10 minutio at 39.72 segundo kasunod sa ikatlo si Mary Jane Pagayon ng Davao Region na may 10 minuto at 52.72 segundo.

Bago magsimula ang karera, aminado si Paraase na magiging matindi ang labang kanyang haharapin lalo pa’t gold medalist sa 2023 Batang Pinoy si Tajarros.

Subalit nagbunga ang pagsisikap nito sa training at matamis na angkinin ang ginto.

Nagparamdam din ng lakas si Jyane Kurt Canton ng Central Luzon matapos magtala ng bagong Pala­rong Pambansa record sa long jump elementary boys.

Lumundag si Canton ng impresibong 6.14m para makuha ang gintong medalya kasabay ng pagwasak sa dating marka sa long jump na 6.04m na naitala ni Jeremie Tamles ng Davao Region noong 2002 edisyon ng Palaro sa Naga.

Tinalo ni Canton si Khrispher Kyle Ngirngir ng Western Visayas na may 5.63m para sa pilak gayundin si Ace Francis Bacongallo ng Central Visayas na nagkasya sa tanso bunsod ng nakuha nitong 5.59m.  

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with